Article

3

Posted on : Saturday, October 31, 2009 | By : shapap | In :


Rachelle Siazon ( ABS-CBN Interactive ) 10.31.09

With the help of Anne Curtis, Kris Aquino, and Dimples Romana, Angel Locsin was able to get support from fellow celebrities to raise funds for the typhoon victims via an online auction known as Shop and Share. Kim Chiu even recounted to ABS-CBN.com the first time she learned about this project. “May nagtext sa akin na unknown number. Akala ko kung sino. Tapos sabi niya si Anne daw siya. So tinawagan ko, sabi ko, ‘Hello, ikaw ba talaga si Anne?’ Oo daw, tapos inexplain niya na magpapa-auction nga daw sila sa internet tapos yung proceeds mapupunta sa Red Cross. So sabi ko, ‘O sige game ako,” she began.

Aside from three outfits she used in the hit teleserye Tayong Dalawa, Kim also donated one of her favorite designer bags. “Yung pangalawang Louis Vuitton bag na binili ko sa buong buhay ko. Oo, mami-miss ko yun. May message pa nga ako dun. Sabi ko, ‘Sa makakabili nito, alagaan niyo itong bag ha.’ Pumikit ako nung binili ko ito, pero ngayon ibibigay ko na siya.” But she knows that it was worth giving the bag away for a good cause. “Siyempre masarap yung feeling na patuloy kang nakakatulong sa ganitong paraan. Sana talaga malaking halaga yung malikom nila sa mga items na yun,” she added.

Entertainment Live

84

Posted on : Saturday, October 31, 2009 | By : shapap | In : ,

Entertainment Live: Kim and Gerald, break their silence!c/o kristt
Entertainment Live: Kim and Gerald, break their silence!c/o KGLaber
© K.I.M.E.R.A.L.D www.kimerald.tk

Showbiz News Ngayon

19

Posted on : Friday, October 30, 2009 | By : shapap | In : ,

Showbiz News Ngayon: KIMERALD Movie Hot Detailsc/o kristt
Showbiz News Ngayon: KIMERALD Movie Hot Detailsc/o discoverer
Showbiz News Ngayon: KIMERALD Movie Hot Details
© K.I.M.E.R.A.L.D www.kimerald.tk

Article

4

Posted on : Thursday, October 29, 2009 | By : shapap | In :

Celebrities draw huge crowd and raise scream meter at Bench fashion show
Rose Garcia ( PeP ) 10.29.09
The turnout of expected celebrity endorsers is not 100 percent, but even so, the fashion show mounted by Ben Chan's clothing empire is still star-studded!

Ang tema ng Fashion Week na ginanap sa atrium ng Mall of Asia noong ika-25 ng Oktubre ay Spring/Summer 2010. At dahil sa pinu-promote na rin ang Think Green campaign, ang mga disenyo ay hango sa salitang "recycle."

Sa nangyaring pagrampa ng mga artista, Kapuso man o Kapamilya, nakita kung sino ang mga may hatak sa tao o ang may pinakamalakas na tili factor.

Human ang unang nagpakitang-gilas, sa pangunguna ng signature model niting si Isabelle Diaz Daza. Yun nga lang, kapansin-pansin na kung sino pa ang mga main endorsers, tulad nina Luis Manzano at Billy Crawford, ay hindi nasilayan ng madla noong gabing iyon.

Sumunod ang portion ng Kaschieca pero wala rin ang brand bearer nito na si Bea Alonzo. Ang rumampa ay ang mga batikang modelong sina Gem Padilla, Marina Benipayo, at Wilma Doesnt.

Ang paglabas ni Lucy Torres-Gomez sa entablado ay umani ng palakpak dahil talaga namang napakaganda nito kahit medyo kaswal ang kanyang suot.

Noong nagsabay silang rumampa ng co-host niya sa Sweet Life na si Wilma, naaliw ang mga tao dahil sa pagkakaiba ng kanilang personalidad at kulay.

Huli ang segment ng Bench na sinimulan ni Dingdong Dantes. Noong una'y wala pang masyadong tilian dahil hindi ito agad nakilala sa bago niyang hairdo. Pero noong mailawan ito nang husto, ayan na ang tila hindi matapus-tapos na tilian at palakpakan.

Kasunod ni Dingdong sina Angelica Panganiban, Paulo Avelino, Hansen Nichols, Ron Morales, Xian Lim, Ejay Falcon, Ron Morales at Regine Angeles. Ang bagong herBench model na si Carla Abellana ay rumampa rin.

Noong lumabas ng love team na sina Aljur Abrenica at Kris Bernal, halos mamaos na ang mga nasa mall sa katitili, lalo na sa young actor.

Pagkatapos, sumunod naman sina Arthur Solinap, Rafael Roselle at Jon Avila.

Samantala, medyo nakakagulat ang naging mainit na pagtanggap ng fans kay Coco Martin, na masasabing nagkaroon ng break sa ABS-CBN teleserye na Tayong Dalawa.

Sumunod na lumakad sina JC de Vera naman at Enchong Dee, na nakakatanggap ng magandang feedback sa kanyang pagganap sa Katorse, isa ring serye sa Kapamilya network.

Pero walang makakatalo sa inaning palakpak at tili ng cast ng mga bida ng Tayong Dalawa. Unang lumabas si Jake Cuenca na tila in character pa rin dahil sa pagsaludo nito sa audience.

Halos wala kang marinig sa paglabas nina Kim Chiu na mas lalong gumaganda, at Gerald Anderson na medyo lumusog nang konti.


At siyempre, hindi mawawala ang original Bench endorser na si Richard Gomez. Kasunod niya sina Aljur Abrenica, JC de Vera at Jake Cuenca na, this time, naka-topless naman.

After that, ipinakita sa screen ang mga katagang "It All Starts with a Smile." Dito sinimulang ilunsad ang mga Pinoy Lab shirts ng Bench sa pangunguna ng mag-asawang Richard at Lucy, kasama ang kanilang anak na si Juliana.

Isa-isa na ring pumasok ang iba pang mga celebs at models na may iba't ibang statement sa shirts, gaya ng "I love (naka-heart sign yung salitang "love") Manila, I love Bahay Kubo, I love Halo-Halo, I Love Kalesa" at iba pa.

Rumampa rin si Tessa Prieto Valdez na nakasuot ng shirt na may "I love the Terno." Iba pang mga designs ay: "I love Sipa, I Love Sampaguita, I love Rizal, I love Balut, I love Lechon."

Kuwela naman ang pagrampa ni Ms. Elizabeth Ramsey na may katagang " I love OPM" sa kanyang suot. Si Noynoy Froilan naman, "I love Tinikling," habang "I Love Baro't Saya" ang suot ng fashion designer na si Joey Samson.

Ang anak nina Aiko Melendez at Jomari Yllana na si Andrei, kasama ang kanyang tito na si Ryan Yllana, ay kasali rin sa fashion show.

Ang huling rumampa ay sina Gerald at Kim, at saka, sina Dingdong at Richard.

Before the end of the show, ibinigay ng Bench ang kanilang one million peso donation sa Philippine National Red Cross. Si Lucy ang tumanggap ng symbolical check.

Juicy

1

Posted on : Thursday, October 29, 2009 | By : shapap | In : ,

Juicy: KIMERALDc/o discoverer
Juicy: KIMERALD
© K.I.M.E.R.A.L.D www.kimerald.tk

Article

13

Posted on : Thursday, October 29, 2009 | By : shapap | In :

Ricardo F. Lo ( PhilStar ) 10.29.09

Kim Chiu made heads turn with her eye-catching gown during the recent FAMAS Awards where she and screen sweetheart Gerald Anderson received the German Moreno Youth Achievement Award.

Designed by Song Medina, Kim’s gown was a multi-toned crumpled organza with cabbage-effect accent; while Gerald’s coat-and-tie, also by Song, was in gun-metal green with geometric design.

It was also Song who designed Kim’s stunning wedding gown in the ABS-CBN soap Tayong Dalawa.

Article

19

Posted on : Thursday, October 29, 2009 | By : shapap | In :

Ambet Nabus ( PinoyParazzi ) 10.29.09

Mukhang hindi nga talaga fair na sabihing ang tandem nina Kris Bernal at Aljur Abrenica ang ka-match ng tandem nina Kim Chiu at Gerald Anderson.

Hindi talaga papayag ang libu-libong supporters ng Kimerald dahil sa last fashion show ng Bench ay makikita talaga kung sino at aling love team ang kinabog. Literal na nakabibingi ang tilian kina Kim at Gerald at nagmukha talagang kawawa sina Kris at Aljur, maliban sa ilang mga bading na todo ang hiyaw for the Kapuso hunk.

Kahit nga sa pagrampa ay walang comparison ang dalawang parehas, kaya nga ‘yung balitang pag-mama-asim ni Kris sa mga fans ay nakakaloka.

Speaking of KIMERALD, naunsiyami pala ang pagsasama ng popular love team at ni Robin Padilla sa isang teleserye sa Dos na next year na mag-uumpisa.

Ito sana ang magiging comeback soap ni Binoe sa Kapamilya Network at dito nga balitang pumayag maging nanay ni Kim si Kris.

Isa lang daw ito sa malalaking sorpresa ni Binoe sa kanyang pagbabalik-Kapamilya dahil mismong ang manager nito na nakausap namin kamakailan ang nagsabing may Star Cinema movie pa itong nakatakdang gawin

Hindi nga ba’t nagprisinta nang maging leading lady ng action superstar sina Bea Alonzo at Toni Gonzaga? Pero mukhang mauuna ngang gawin ni Binoe ang isang project kung saan kasama niya ang kanyang kapatid na si BB Gandanghari, playing a very important role na mala-Angelina Jolie.

Ngayon, sinong may sabing hindi na uso si Binoe?

Article

0

Posted on : Wednesday, October 28, 2009 | By : shapap | In :

Kim Chiu, nahihiya kay Kuya Germs
Morly Alinio ( PinoyParazzi ) 10.28.09
Mali ang balitang nagkausap na si Kim Chui at si German Moreno matapos na diumano ay “mabastos” ang taunang award na ibinibigay niya Kuya Germs sa mga kabataan para sa FAMAS Award.

Ang balita kasi ay personal daw na kinausap nina Kim at Gerald Anderson si Kuya Germs. “No, hindi pa po. Wala pa pong nangyayaring pag-uusap. Actually, nahihiya nga po ako kay Kuya Germs pero sabi naman sa akin ni Mr. M ay okey na, nakausap na nila si Kuya Germs at huwag na akong mag-alala,” sabi ni Kim.

Ayon kay Kim, hindi nila intensiyon na bastusin ang pagbibigay parangal ni Kuya Germs dahil noong FAMAS night ay naroon sila ni Gerald para tanggapin ang nasabing parangal. Nagkataon na matagal ang nasabing programa kung at kinailangan nilang umalis agad kahit hindi pa nila natatanggap ang German Moreno Youth Achievement Award. “Hindi na naman siguro kami pupunta du’n kung may intensiyon kaming mang-isnab. Kung medyo hindi pa siguro masyadong gabi at kung wala lang kaming gagawin ay maghihintay kami.”

Sinabi ni Kim na nasa bahay na nila ang award na ibinigay ni Kuya Germs. “Hindi ko po alam kung ano ang magiging reaction ko kapag nakita ko si Kuya Germs kasi parang nahihiya talaga ako sa nangyari. Pero kung magsasalubong ang aming landas ay babati ako sa kanya at personal na magpapasalamat.”

Article

10

Posted on : Wednesday, October 28, 2009 | By : shapap | In :

Kim Chiu, hataw sa drama at comedy
Faith Salazar Photos by Allan F. Sancon ( PinoyParazzi ) 10.28.09

Sa cast party ng Tayong Dalawa sa 55 Avenue, Tomas Morato noong September 25, super celebrate with a bang ang production at staff ng isa sa mga matatagumpay na shows ng Primetime bida ngayong taon. Umariba talaga sa ratings ang show – hindi lang dahil sa magagaling na veteran actors huh! Kundi, dahil na rin sa pag-ma-mature sa pag-arte ng tatlong bida nilang sina Gerald Anderson, Jake Cuenca at Kim Chiu.

Hataw sa ratings ang magkakasunod ng telenovela ni Kim – ang Sana Maulit Muli, My Girl at Tayong Dalawa. Hindi lang talaga pang-komedy, pang-horror o pang-drama si Kim Chiu huh! All-around na ang lola mo!

www.kimerald.co.nr www.kimerald.tk

Article

0

Posted on : Tuesday, October 27, 2009 | By : shapap | In :

Kimerald starts shooting new movie
by Angela Casauay ( SunStar ) 10.27.09

Fans of the Kimerald (Kim Chiu-Gerald Anderson) love team will witness a more daring tandem as they gear up for their comeback on the big screen.

Kim and Gerald topbilled the recently concluded teleserye "Tayong Dalawa" that became one of the top rating shows in ABS-CBN, doubling the pressure for the two.

“This is something new. But we will do everything here in our first day," Gerald said.

When asked whether they can perform better than they did in Tayong Dalawa, which had intense kissing scenes, Kim said: "We are still internalizing our characters because it has not yet sunk in. Because from Tayong Dalawa, it was heavy. Now it's very light."

Recently, buzz was loud that the Kimerald tandem will rest for a while and Gerald will be paired with Sarah Geronimo.

But there upcoming movie proves that the tandem is not set to break up any time soon.

"This is our movie, we don't know what will happen in the near future. Basta, we will put all our focus here. This is just our first day. Many exciting things will still happen in this movie," Gerald said.

They are also set to do a new primetime series "Kung Tayo'y Magkakalayo."

In comparison to their previous films, Gerald said: “Our first movie, First Day High, from the title itself, it's really for the young! And then I've Fallen For You, our solo movie, that was a bit tweetums, a happy, nakakakilig na movie. In this movie, This is really nakakakilig but the drama is still there.”

Kim added that the movie will first make the audience excited then there will be drama towards the end.

“I'm hoping that our good and chemistry and working relationship as a love team will make perform to the the expectation of Kimerald fans,” Kim said.

Kim and Gerald were seen in the Bench Fashion Show last Sunday for the Philippine Fashion Week in SMX Convention Center.

Article

3

Posted on : Tuesday, October 27, 2009 | By : shapap | In :

Kim Chiu says "Kimerald movie" director keeps possible intimate scenes a secret
Rommel Placente ( PeP ) 10.27.09
Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Kim Chiu last Sunday, October 25, pagkatapos ng ASAP '09. Ikinuwento ng young actress na nakapagsimula na silang mag-shooting ng kanyang ka-loveteam na si Gerald Anderson para sa bago nilang pelikula mula sa Star Cinema.

"Kahapon nag-shoot na kami ni Gerald. Sa Breakwater kinunan yung eksena namin," balita ni Kim.

Wala pang napipiling title ang Star Cinema para sa bagong pelikulang ginagawa nina Kim at Gerald.

"Kimerald movie pa lang ang title. Sabi ko, 'Ano bang title nito?' 'Wala, Kimerald movie!" natatawang sabi ng young actress.

Ano ba ang role nila ni Gerald sa pelikula?

"Mag-best friends kami since bata pa hanggang sa maging twenties na kami, magkaibigan pa rin kami. Tapos parang kilalang-kilala na namin ang isa't isa. Ako yung takbuhan niya pag may problema siya. Di ba, pag magkaibigan, pag mag-best friend, kailangan babae sa babae? Kami ni Gerald best friends, pero babae sa lalake. Doon tatakbo na yung kuwento. Una magaan, tapos padulo na nang padulo, pabigat na nang pabigat."

Magkakaroon ba sila ng love scene ni Gerald sa pelikula gaya nang ginawa nila sa defunct primetime series nilang Tayong Dalawa?

"Hindi pa po tapos yung script, e. So, paunti-unti lang yung tini-take namin. Kahapon, dalawa nga lang po ang kinunan sa amin," sabi ni Kim.

Pero hindi ba nasabi sa kanila kung may kissing scenes o love scene sila sa pelikula?

"Hindi pa. Siguro ginugulat nila kami. Siyempre si Direk Ruel [Bayani] yun, direktor namin sa Tayong Dalawa. Nanggugulat yun, e."

TAYONG DALAWA. Ang Tayong Dalawa ang huling teleserye na pinagsamahan nina Kim at Gerald. Maraming fans ng dalawa, lalo na ang Kimeralds, ang hindi nagustuhan ang ending ng nasabing serye dahil pinatay rito si Kim. Ano ang masasabi ni Kim dito?

"Siyempre ginawa nila ito para mas maging kakaiba yung ending. Malungkot man yung ending namin, nandun pa rin yung value," paliwanag niya.

Masasabi ni Kim na ang Tayong Dalawa ang the best, so far, na teleseryeng nagawa niya.

"Kasi nandun na lahat ng emotions ko. Binuhos ko na lahat. Swimming pool na yata na luha ang naibuhos ko dito! And worth it naman dahil ang daming pumasok na endorsements sa akin. Kaya thankful naman ako sa Tayong Dalawa," sabi ni Kim. Samantala, available na sa mga record bars ang DVDs ng Volumes 1-7 ng Tayong Dalawa.

Susunod na mapapanood sina Kim at Gerald sa telebisyon sa Kung Tayo'y Magkakalayo. Kasama nila rito si Kris Aquino.

Article

17

Posted on : Tuesday, October 27, 2009 | By : shapap | In :

Kim Chiu, nagniningning ang ganda!
Rey Pumaloy ( Abante Online ) 10.27.09
Nagmistulang fashion show ng Kapamilya ang katatapos lang na benefit show ng Bench para sa Ondoy victims, na ginanap last Sunday sa Mall Of Asia.

At kahit may mga Kapuso stars na rumampa, lamang na lamang ang Kapamilya stars sa gabing `yon.

Sa totoo lang, malalakas na tilian ang ibi­nigay ng audience sa mga stars ng Ta­yong Dalawa na sina Jake Cuenca, Coco Martin, Gerald Anderson at Kim Chiu. Parang sasabog nga ang MOA sa lakas ng tilian kina Ge­rald at Kim.

Kapansin-pansin din na lalong gumaganda si Kim ngayon. Mukhang tumaba siya ng konti, at bumagay talaga `yon sa kanya. Sabi nga ng mga katabi ko, mukhang beauty queen si Kim ngayon, dahil nagniningning ta­laga ang ganda niya sa stage, ha!

At kahit tatlong beses silang luma­bas para rumampa, hindi nagbabago ang lakas ng tilian ng mga tao sa kanila.

Article

4

Posted on : Tuesday, October 27, 2009 | By : shapap | In :

Ping Medina says Gerald Anderson has proven his worth in Tayong Dalawa
Rachelle Siazon ( ABS-CBN Interactive ) 10.27.09

After playing the sidekick of Coco Martin in Tayong Dalawa, Ping Medina is now busy taping for his new role as the arch-nemesis of Jolo Revilla in the upcoming action series Ang Alamat Ni Ramon Revilla Presents: Pepeng Agimat. “Ako dito si Lucio, isa siyang aswang na brother ni Melissa (Ricks). Ang mother namin ay si Ms. Shamaine (Buencamino). Bale pamilya kami ng mga aswang. May-ari kami ng isang resort na may power sa lugar nila,” he said in an interview with ABS-CBN.com.

The 26-year-old actor is looking forward to his fight scenes with Jolo who shed 30 pounds for this project. “Reading-ready na ako for the fight scenes. Tsaka gusto ko yung role kasi aswang na nagtatago amidst human beings. Sobrang naeenjoy ko ngayon yung ganong roles, powerful at the same time medyo twisted yung pag-uutak. Kasi usually ang mga roles na binibigay sa akin brooding or paawa effect. So medyo nagsawa na ako sa ganon. Gusto ko ng change at sakto dumating naman.”

Playing Nico Valencia in Tayong Dalawa was actually his first major kontrabida role and he was glad that it turned out to be an enjoyable experience. “Nung umpisa parang small role lang siya. Akala balisong-balisong gang lang ako dun. Okay lang sa akin. Inenjoy ko lang yung time sa set at pinaglaruan ko lang yung character, sinubukan ko lang palalimin. Eventually, swinerte naman at nagustuhan din naman ng mga tao,” he fondly recalled.

As one of the most versatile character-actors of his generation, ABS-CBN.com asked for Ping’s opinion regarding Kim Chiu and Gerald Anderson’s dramatic portrayals in Tayong Dalawa. He agreed that the two improved a lot while doing the much-celebrated primetime soap. “‘Yan si Kim magaling na ‘yan e. Si Gerald he's getting there. But I really admire the dedication of Gerald. Alam nating lahat sa Tayong Dalawa, he had his moments. When he had to deliver, he delivered. I’m very happy for him kasi now, he's not just a pretty face. He has shown that he can do something with his acting. I’m looking forward to see how they would progress in their future projects.”

The whole cast of Tayong Dalawa was challenged to give their best shot in every scene that they do out of respect for each other’s talent. “Oo lahat e. Kasi grabe kapag pumunta ka sa set, from the director to the producer, lahat talaga sila patalbugan. Grabe yung energy e. Manhid ka na lang kung hindi ka mahawa sa energy nila. Napapasabay ka. So naghihilahan kaming lahat like sina Coco, sila Alessandra de Rossi na mas palagi kong kasama sa mga eksena,” Ping shared.

Watch out for Ping Medina in Pepeng Agimat very soon on ABS-CBN.

Article

3

Posted on : Tuesday, October 27, 2009 | By : shapap | In :

Kim Chiu and Gerald Anderson star in their third film together under Star Cinema
Mell T. Navarro ( PeP ) 10.27.09
Kamakailan lang ay pormal nang nagsimula ang shooting ng sikat na young stars na sina Gerald Anderson at Kim Chiu ng kanilang comeback movie para sa Star Cinema, na siguradong ikatutuwa ng kanilang napakaraming fans.

Kung ang past Kimerald films ay mga pa-cute pa at pa-sweet dahil sa kanilang murang edad, sinasabing magiging "mas daring" na ang balik-tambalan nila sa big screen. Ito ay pagkatapos ng matagumpay na teleserye nilang Tayong Dalawa.

Ayon kina Kim at Gerald, since successful nga ang last teleserye nila at tumatak ito sa fans, doble pressure daw ngayon ang kanilang nararamdaman para sa kanilang movie.

"Nakakapanibago, pero gagawin namin ang lahat dito sa first day namin," bungad ni Gerald sa panayam sa kanila ng SNN.

Sa Tayong Dalawa, unti-unti nang ipinakilala sina Gerald at Kim sa mature roles.

Mahigitan kaya ng kanilang yet untitled movie ang pagiging "daring" nila sa Tayong Dalawa kung saan may kissing scenes na sila?

Sagot ni Kim, "Ini-internalize pa namin yung characters namin, kasi di pa siya mag-sink in, dahil from Tayong Dalawa na sobrang bigat, 'eto naman, magaan lang."

Nagbalik-tanaw naman si Gerald sa kanilang past two films together under Star Cinema, at naikumpara sa pinakabago nilang handog na movie for their fans. Although, gumawa rin sila ng isang pelikula under Regal Films, ang "Class Picture" episode ng Shake, Rattle & Roll X.

"Yung first movie naming First Day High, title pa lang, parang pambata talaga!" tawa ni Gerald. "Tapos, I've Fallen For You, solo namin ni Kim 'yon, medyo ano yun, e, medyo tweetums, sobrang saya, nakakakilig na movie. Eto, dito naman sa movie na ito, sobrang nakakakilig, pero 'andun pa rin yung drama."

Dagdag ni Kim, "May drama pa rin sa dulong part. At first, mae-excite sila, tapos sa dulo ang drama."

Sabi naman ni Gerald, "At first, sobrang saya, nakakakilig din. Kaya maganda ito sa amin, yung kumbinasyon!"

Umaasa si Kim na sa magandang chemistry at working relationship nila ni Gerald bilang magka-loveteam ay magtagumpay sila sa anumang expectation ng Kimerald fans.

"Sana, ma-achieve namin yun and sana magustuhan ng mga tao kaya inaayos naming lahat. Kung may mali man, uulitin," saad ng young actress.

Tungkol naman sa intrigang paghihiwalayin na sila at maipareha sa ibang artista, makahulugan ang tugon ni Gerald. Aniya, "Basta, ito po yung movie namin ni Kim, hindi po namin alam in the near future. Basta, dito po namin ibinubuhos yung focus namin. Dito na muna. First day pa lang namin, marami pang exciting na mangyayari dito sa movie na ito."

Last Sunday, October 25, kasama sina Gerald at Kim sa mga Bench endorsers na rumampa sa Philippine Fashion Week sa SM Mall of Asia. Sila ang nagkamit ng isa sa pinakamalakas na tilian sa lahat ng mga artistang rumampa.

Bukod sa shooting, abala rin ang popular loveteam, kasama ang iba pang talents ng Star Magic, para sa November 13 big concert nila sa Araneta Coliseum, Star Magic World Concert Tour in Manila. Nauna nang namayagpag sa iba't ibang panig ng mundo ang nasabing concert. Sinasabing ang talent fees ng Star Magic talents for this benefit concert ay mapupunta sa mga kababayan nating nasalanta ng kalamidad.

Sa TV naman, susunod na mapapanood sina Kim at Gerald sa primetime series na Kung Tayo'y Magkakalayo.

Showbiz News Ngayon

15

Posted on : Monday, October 26, 2009 | By : shapap | In : ,

SNN: KG's New Movie First Shooting Dayc/o kristt
SNN: KG's New Movie First Shooting Dayc/o KGLaber
SNN: KG's New Movie First Shooting Day + Fashion Weekc/o discoverer
SNN: KG's New Movie First Shooting Day + Fashion Week
© K.I.M.E.R.A.L.D www.kimerald.tk

TV Patrol World

17

Posted on : Monday, October 26, 2009 | By : shapap | In : ,

TV Patrol World: Philippine Fashion Weekc/o KGLaber
TV Patrol World: Philippine Fashion Weekc/o discoverer
TV Patrol World: Philippine Fashion Week
© K.I.M.E.R.A.L.D www.kimerald.tk

Article

3

Posted on : Monday, October 26, 2009 | By : shapap | In :

Kim and Gerald in high glamour
( Journal Online ) 10.26.09

One of the most popular pairs in local showbiz Kim Chiu and Gerald Anderson were recipients of the German Moreno Youth Achievement Award. The young actress was a whistle-drawer in her curvaceous multi-toned crumpled organza with cabbage effects, serpentina gown while her partner Gerald Anderson was super handsome in his metallic green suit with triangle flop pockets.

People admired the couple who walked like a prince and princess into the grand theater in the recent Famas Awards Night. “Pang-Oscar Awards ang dating nila,” wika pa ng mga nakapansin.

The designer of the wonderful outfit wore by Kim and Gerald was Song Medina. “Song is adorably good. This fabulous gown is so becoming to me. I feel like a princess indeed,” says Kim.

Kim met Song when the designer did her famous wedding gown in the Tayong Dalawa soap opera. “People were all eager to know who designed my fabulous wedding gown in Tayong Dalawa as well as my outfit tonight. I told them proudly who he was,” she adds.

Truly, her gown multi-toned in magenta, fuschia, golden green and violet complemented her glowing beauty.

For Gerald, he said: “He (Song) is really good. The suit is a perfect fit and highly comfortable. I like everything about it, its metallic green color, its geometric design. I’m trully feeling and looking very expensive tonight.”

Song’s success is highly attributable to his hard work and perseverance. His secret weapon is “word of mouth” which is continuously building a clientle from all walks of life and every sector of our country. His creativity and unique elegant designs are paving his roads to success.

Juicy

14

Posted on : Monday, October 26, 2009 | By : shapap | In : ,

Juicy: 57th FAMAS Awardsc/o discoverer
© K.I.M.E.R.A.L.D www.kimerald.tk

Article

6

Posted on : Monday, October 26, 2009 | By : shapap | In :

Gerald Anderson and Kim Chiu – 2009 Hottest Love Team on TV
( Starmometer ) 10.26.09
After 4,337 votes, Gerald Anderson and Kim Chiu of Tayong Dalawa bested 9 other finalists for the title 2009 Hottest Love Team on Television!

Kimerald, the monicker given to them by fans, garnered 1,750 votes or a whopping 40% of the 10-way poll. Both Gerald and Kim received rave reviews for their first portrayal of mature roles in the award-winning teleserye “Tayong Dalawa.” It was also the first project where they had their very first bed scene. Kimerald was voted as Hottest Love Team in Starmometer since 2007.

Placing second with 19% of the votes are the love team of Sam Milby and Angel Locsin. After being paired with Piolo Pascual in the fantaserye “Lobo”, Angel’s second primetime series on ABS-CBN was the remake of the Koreanovela “Only You.” This time she was paired with Sam Milby. Both Angel and Sam have distinct personalities that spells “chemistry” when joined together. True enough, their love team was well received by fans.

3rd honors belong to Jericho Rosales and Kristine Hermosa for their “reunion” teleserye “Dahil May Isang Ikaw.” This love team is very popular not just in the Philippines but in other countries where their previous teleserye became a hit.

In 4th place are reel and real couple Dingdong Dantes and Marian Rivera. They are the highest votegetter among kapuso love teams.

Rounding off the Top 5 are Piolo Pascual and KC Concepcion for the remake of the hit koreanovela “Lovers in Paris.” This is KC’s first primetime series on ABS-CBN.

In 6th place are John Lloyd Cruz and Bea Alonzo for “I Love Betty La Fea” followed by Aljur Abrenica and Kris Bernal in “Dapat Ka Bang Mahalin?” in seventh position. Mark Herras and Jennylyn Mercado occupied the 8th slot for their soap opera “Paano Ba Ang Mangarap.” Finishing 9th and 10th are the love team of Richard Gutierrez and Rhian Ramos for Zorro and Geoff Eigenmann and Carla Abellana for Rosalinda, respectively.

The selection of the 10 finalists were based on the ratings of their tv series for 2009.

Here is the complete ranking of our poll 2009 Hottest Love Team on TV:

1. Gerald Anderson and Kim Chiu (Tayong Dalawa) (40.0%, 1,750 Votes)
2. Sam Milby and Angel Locsin (Only You) (19.0%, 832 Votes)
3. Jericho Rosales and Kristine Hermosa (Dahil May Isang Ikaw) (11.0%, 496 Votes)
4. Dingdong Dantes and Marian Rivera (Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang) (7.0%, 320 Votes)
5. Piolo Pascual and KC Concepcion (Lovers in Paris) (7.0%, 308 Votes)
6. John Lloyd Cruz and Bea Alonzo (I Love Betty La Fea) (7.0%, 299 Votes)
7. Aljur Abrenica and Kris Bernal (Dapat Ka Bang Mahalin?) (5.0%, 200 Votes)
8. Mark Herras and Jennylyn Mercado (Paano Ba Ang Mangarap?) (2.0%, 101 Votes)
9. Richard Gutierrez and Rhian Ramos (Zorro) (0.0%, 16 Votes)
10. Geoff Eigenmann and Carla Abellana (Rosalinda) (0.0%, 15 Votes)

Total Voters: 4,331

Please stay tuned for our next poll: 2009 Hottest Movie Love Teams!

US Girls

4

Posted on : Monday, October 26, 2009 | By : shapap | In :

US Girls: Magic For A Causec/o kristt
© K.I.M.E.R.A.L.D www.kimerald.tk

The Buzz

1

Posted on : Sunday, October 25, 2009 | By : shapap | In : ,

The Buzz: KIMERALD's Message for Jimsonc/o KGLaber
The Buzz: KIMERALD's Message for Jimsonc/o discoverer
The Buzz: KIMERALD's Message for Jimson
Download this Episode
© K.I.M.E.R.A.L.D www.kimerald.tk

ASAP 09

12

Posted on : Sunday, October 25, 2009 | By : shapap | In : ,

ASAP 09c/o kristt
ASAP 09 1 , 2 , 3 c/o KGLaber
ASAP 09 1 , 2 , 3 , 4 , 5 c/o discoverer
ASAP 09
Download this Episode
© K.I.M.E.R.A.L.D www.kimerald.tk

Article

10

Posted on : Sunday, October 25, 2009 | By : shapap | In :

Sori na lang sa iba.......sigaw ni Kris: Si Kim ang No.1 sa mga artista ngayon
Vinia Vivar ( Bulgar ) 10.25.09

Still on Kris, plantsado na pala ang teleseryeng gagawin nya sa ABS-CBN. In fact, nakatakda na silang magkaroon ng story conference next week. Ang makakasama niya ay ang one of the hottest loveteams in town na sina Kim Chiu at Gerald Anderson.

Ang title ng soap ay KUNG TAYO'Y MAGKAKALAYO at gaganap si Kris bilang ina ni Kim. Natanong si Kris kung bakit niya tinanggap ang mother role to Kim at walang kagatul-gatol niyang sabi, "Because she's number one!"

Sa bracket kasi ng mga youngstars aged 18-20, no doubt na si Kim daw talaga ang number 1. Ibang category naman daw sina Anne Curtis, Bea Alonzo at Marian Rivera.

Ayaw nga raw sana ni James na gumawa siya ng serye pero sinabihan daw siya ng mga kapatid na tanggapin na dahil kasama sina Kim at Gerald.

Paborito pala ng mga sisters niya ang magkaloveteam at every night daw ay pinapanuod ng mga ito ang Tayong Dalawa, lalo na si Viel na from beginning to end ay nasubaybayan umano ang serye.

Sa dinner nga raw nila with the Kapamilya stars ay inoobserbahan ng mga kapatid niya si Kim. Sabi nila, "Krissy, si Kim Chiu only ate yogurt sa dinner natin. She had only stick of yakitori, tatlong sushi, and yogurt." Sabi niya, "I'm gonna do that also to be slim," natatawang kwento ni Kris.

Anyway, nakaschedule mapanood ang teleserye ni Kris with Kim and Gerald early next year kaya for sure ay matutuwa na naman ang mga Kimerald fans.

Mapapanood din si Kris sa Pilipinas Got Talent, franchise ng America's Got Talent bilang one of the judges along with former ABS-CBN exec na si Freddie Garcia.

Article

0

Posted on : Saturday, October 24, 2009 | By : shapap | In :

Vinia Vivar ( Journal Online ) 10.24.09

Samantala, tuloy na tuloy na ang gagawing teleserye ni Kris sa ABS-CBN.

Ang makakasama niya, one of the hottest loveteams in the country, sina Gerald Anderson at Kim Chiu.

Naka-schedule na silang magkaroon ng storycon next week at ang first taping day naman ay bandang November din.

Nakakatuwa ang kuwento ni Kris na ayaw daw sana ng asawang si James Yap na tanggapin niya ang soap, pero dahil daw ang mga kapatid niyang babae ay fans ng Kimerald loveteam, ang mga ito raw ang nagsabi sa basketbolista na payagan na ang wife dahil Kim and Gerald naman daw ang kasama.

Ang mga kapatid niya pala ay avid fan ng Tayong Dalawa nina Kim at Gerald at talagang gabi-gabi ay pinapanood ng mga ito ang nasabing serye, lalo na raw si Viel, na from beginning to end, nasubaybayan ang show.

Ang title ng soap ay Kung Tayo’y Magkakalayo at gagampanan ni Kris ang ina ni Kim.

Natanong si Kris kung bakit niya tinanggap ang mother role kay Kim at walang kagatul-gatol niyang sabi, “because she’s number one!”

Sa bracket daw kasi ng young stars aged 18-20, no doubt na si Kim talaga ang number 1.

Ibang category naman daw sina Anne Curtis, Bea Alonzo at Marian Rivera.

* * *

Hinahanap-hanap ng katawan ni Gerald Anderson ang daring stunts na ginawa niya kamakailan sa Agimat, gaya ng pag-akyat at pagsabit sa matataas na gusali.

Nag-last taping day na kasi ang Hulihin si Tiagong Akyat at aminado ang young actor na hindi lang ang nasabing proyekto ang napamahal sa kanya kundi pati na rin ang parkour, a unique sports which involves extreme climbing and jumping.

“Sobrang mami-miss ko ang Agimat team, lalo na ang parkour trainors ko. This sport has really challenged my endurance. I have realized na sobrang masarap siyang gawin. If ever I’ll be given a chance to train again, I’ll grab it.”

Samantala, masayang-masaya rin ang young actor na siya ang napili ng FAMAS ng German Moreno Lifetime Achievement award para sa kanilang loveteam ni Kim.

Hindi man personal na natanggap ng binatang aktor ang award dahil sa hectic schedule, lubos pa rin siyang nagpapasalamat sa pagkilalang tinamo.

“Nakakapanghinayang nga dahil hindi namin personally natanggap ’yung award, kaya po humihingi po ako ng sorry kay Kuya Germs.

“Sobrang malaking karangalan talaga ang makatanggap ng isang prestigious award tulad nito. Nagpapasalamat kami kay Kuya Germs for choosing us.”

Sa pagpapatuloy ng Agimat ngayong Sabado, ang buhay ni Tiagong Akyat (Gerald) ay unti-unti nang magiging mabuti at matiwasay. Sa wakas, magkakaroon na rin siya ng pagkakataon na ipagtapat ang kanyang pag-ibig kay Norma (Max) na agad namang tatanggapin ito.

Article

2

Posted on : Saturday, October 24, 2009 | By : shapap | In :

Kris at Robin, balik-tambalan
Ogie Diaz ( Journal Online ) 10.24.09

Bigatin ang cast ng bagong teleseryeng ilulunsad ng ABS-CBN.

Ewan kung final title na ang Kung Tayo’y Magkakalayo na ang mga bida ay sina Kim Chiu at Gerald Anderson.

Kasama rin sina Kris Aquino at Robin Padilla. Yes, si Robin, nagbabalik sa ABS-CBN.

Aba’y ’yan naman ang maganda kay Robin, hindi nagsusunog ng tulay, ’ika nga.

Si Kris ay work to death para malaki ang mai-contribute sa campaign funds ng kanyang Kuya Noynoy.

Si Robin naman, work to death para sa kanyang pamilya at mga anak at sa mga scholar niya sa school na kanyang ipinatayo.

Wowowee

29

Posted on : Saturday, October 24, 2009 | By : shapap | In : ,

KIMERALD in Wowoweec/o kristt
KIMERALD in Wowoweec/o KGLaber
KIMERALD in Wowoweec/o discoverer
KIMERALD in Wowowee
Download this Episode
© K.I.M.E.R.A.L.D www.kimerald.tk

Article

3

Posted on : Saturday, October 24, 2009 | By : shapap | In :

Tiagong Akyat
( PeP ) 10.24.09
Gerald Anderson is now fascinated in climbing and crawling from one high-altitude building to another because of his "agimat."

The actor shared during the last taping day of his Agimat series, that he has fallen in love not only with the said project but also with parkour, a unique sport which involves extreme climbing and jumping. "Sobrang mami-miss ko ang Agimat team, lalo na ang mga parkour trainors ko. This sport has really challenged my endurance. I have realized na sobrang enjoy siyang gawin. If ever I'll be given a chance to train again, I'll grab the opportunity."

Gerald has truly learned the art of striving from one steep place to another. But that skill doesn't stop there. The PBB Teen Edition sensation has also reached a cliff that is near the summit of his career when he recently won the prestigious German Moreno Lifetime Achievement Award in FAMAS for his tandem with Kim Chiu.

The 20-year old celebrity wasn't able to personally receive the award due to a conflict in schedule. However, he said that he's proud and grateful for the honor that was vested upon his love team. "Nakakapanghinayang dahil hindi namin personally natanggap yung award kaya po humihingi po ako ng sorry kay Kuya Germs. Sobrang malaking karangalan talaga ang makatanggap ng isang prestigious award tulad nito. Lubos po kami nagpasalamat kay Kuya Germs for choosing us."

What challenges will the engaged couple encounter? Will Tiagong Akyat's Agimat be effective in fighting for his love?

Watch the exciting episodes of Agimat, every Saturday after Failon Ngayon, on ABS-CBN.

Article

1

Posted on : Saturday, October 24, 2009 | By : shapap | In :

Jun Nardo ( Abante Online ) 10.24.09

Ikinuwento nga ni Kris kung paano siya nakasali sa MP6 habang naghihintay siya na mai-set up ang kamera at ilaw sa shooting.

“Nag-offer si Tita Malou (Santos) ng project na maganda talaga with Uge (Eugene Domingo) at Kimerald (Kim Chiu at Gerald Anderson). But the problem was, ‘yung time frame noon was July, August, September. That was the time my mom was taking a turn for the worst. Politely, nagsabi ako na I can’t commit to a project with my mom’s condition that way.

“Tapos, nagkaroon ako ng formal letter to withdraw. Then, when everything happened to Noy (Aquino) and Mother Lily was the first to be vocal sa support, sinabi ko kay Mother na everytime I can return the favor for you, I owe you a movie. Tapos, si Roselle (Mother Lily’s daughter) said, ‘Are you serious about that?’ Sinabi niya na may role sa Mano Po na best friend ni Sharon. And then I said, ‘Of course!!!’ And now, I’m here!

“It was also an opportunity to be able to say thank you to Sharon and to Kiko because sila rin, they were the firsts also to be vocal sa kanilang hangarin na makatulong kay Noy. Kaya siguro, it’s just a way na siguro, kung tinutulungan ang kapatid mo, sino ka para hindi ibalik ‘yung kagandahang loob na ipinagkaloob sa inyo!” kuwento ni Kris sa nangyari.

Ano naman ang reaksyon niya sa sinabi ni Sharon na hindi siya makapaniwalang tatanggapin niya ang project at wala pa siyang talent fee?

“Oo, wala at abonado pa nga ako! Ha! Ha! Ha!

“Siyempre, you’ll pay for your clothes, pay for your make up artist. Tapos, napa-absent ako sa SNN (Showbiz News Nga­yon). Nagagalit sila sa akin. Sorry! Ha! Ha! Ha!

“It would be so much pride on my part to be able to do this for Mother Lily. It’s my third Mano Po. Saka mahal ng pamil­ya namin si Mother Lily. So, ‘yung mga kapatid ko rin ang nagsabi na kaila­ngang gawin ko,” paliwanag pa niya.

Sa pagtanggap niya ng Mano Po, panay ang hingi niya ng sorry sa Star Cinema boss na si Malou Santos, pero may iba naman siyang gagawin sa Dos.

“I’m committed to do a teleserye with Kim and Gerald to start end of November. Normally that’s about six months and we’re eyeing a February telecast. Then, I’m one of the judges sa Pilipinas Got Talent na mag-uumpisa ng December for a March airing naman. Iikot ‘yon sa buong Philippines. That’s beside SNN at The Buzz. So, I’m busy! Ha! Ha! Ha!” natatawang saad pa ni Kris.

Itinanggi naman niya na magsasama sila uli ni Robin Padilla sa isang movie.

“What I was told, Robin had said na gusto niya to start his commitment with ABS CBN with a film. Doon sa time frame ng ABS, I think, the project is with Kim, Gerald and myself and other big names but unfortunately, Robin turned it down because film ang gusto niyang gawin,” bali­ta ng TV host-actress.

Article

2

Posted on : Saturday, October 24, 2009 | By : shapap | In :

Gerald Anderson receives the German Moreno Lifetime Achievement Award
( ABS-CBN Interactive ) 10.24.09
Gerald Anderson’s career continues to grow having recently earned the German Moreno Lifetime Achievement Award from FAMAS for his love tandem with Kim Chiu. Though he was not able to personally receive the award, he extended his thanks to the award giving body and to German Moreno. “Nakakapanghinayang dahil hindi namin personally natanggap yung award kaya po humihingi po ako ng sorry kay Kuya Germs. Sobrang malaking karangalan talaga ang makatanggap ng isang prestigious award tulad nito. Lubos po kami nagpasalamat kay Kuya Germs for choosing us.”

Gerald just finished working on the last few episodes of Tiagong Akyat, the show that fulfilled his dream of becoming an action star and introduced him to parkour, a sport that uses climbing and jumping to get through obstacles. Gerald admitted that his role has helped boost his physical strength like never felt before. “Sobrang mami-miss ko angAgimatteam, lalo na ang mga parkour trainors ko. This sport has really challenged my endurance. I have realized na sobrang enjoy siyang gawin. If ever I’ll be given a chance to train again, I’ll grab the opportunity.”

Catch Tiagong Akyat every Saturday, after Failon Ngayon.

Article

10

Posted on : Saturday, October 24, 2009 | By : shapap | In :

Gerald at Enchong pinagsasabong
Veronica R. Samio ( PhilStar ) 10.24.09

Para namang unfair yung ginagawang pagsasabong ngayon kina Gerald Anderson at Enchong Dee only because sinabi ng huli na may feelings siya for Kim Chiu.

Kung ang layunin dito ay papag-initin muli ang Kim/Gerald tandem, parang mali yung naisip nilang paraan.

Kung balak nilang iangat si Enchong who’s doing a good job in Katorse na matagumpay na naagaw si Erich Gonzales sa ipina-partner sana ditong sina Xian Lim at EJ Falcon, sana not at the expense of Gerald na matagal na rin at patuloy na ini-establish ang kanyang sarili bilang isang actor at bilang bahagi ng isang matagumpay na loveteam.

Cinema News

4

Posted on : Friday, October 23, 2009 | By : shapap | In : ,

Cinema News: KIMERALD's New Moviec/o discoverer
Cinema News: KIMERALD's New Movie
Download this Episode
© K.I.M.E.R.A.L.D www.kimerald.tk

Article

2

Posted on : Friday, October 23, 2009 | By : shapap | In :

Kris Aquino is excited to start taping her upcoming teleserye with Kim Chiu and Gerald Anderson
Julie Bonifacio ( ABS-CBN Interactive ) 10.23.09

All set na si Kris Aquino sa pagsisimula sa mga bagong shows niya sa ABS-CBN. Next month ay magsisimula na rin si Kris na mag-taping para sa kauna-unahang teleserye na pagsasamahan nila ng magka-loveteam na sina Kim Chiu at Gerald Anderson na pinamagatang Kung Tayo’y Magkakalayo. Plano ng ABS-CBN na simulan ang airing ng bagong teleserye on January 25 sabay sa kaarawan ng kanyang yumaong ina na si President Cory Aquino o ‘di kaya naman ay bago ang kanyang birthday on February 14.

Pero ang ikinagulat ng marami ay ang pagpayag ni Kris na gumanap bilang ina ni Kim sa bagong teleserye ng number one young love team today. “Because she’s number one,” mabilis na sagot ni Kris nang tanungin namin siya kung paano siya napapayag na tanggapin ang nasabing role. “Sa bracket ng mga young stars between 18 to 20 years old, siya talaga yung number one.” Pasok din ang bagong Teleserye Princess na si Maja Salvador sa bracket na yun pero iba daw talaga ang karisma ni Kim. “Yes, I love Maj. But si Maj is more on acting. She’s actually ‘yung mala-Lorna Tolentino and Dawn Zulueta. Tapos si Kim naman ‘yung Sharon Cuneta and Maricel Soriano type.”

Matatandaang isa din siya sa mga avid fans ng Tayong Dalawa tulad ng kanyang mga kapatid na tumulong sa kanyang magpaalam na sa asawa niyang si James Yap na magbalik-teleserye. “You know, ayaw talaga ni James na gumawa ako ng soap. Pero ang mga sister ko they like Kim and Gerald. Kaya sabi nila kay James, pumayag ka na,” sabay tawa ni Kris.

Very excited din si Kris dahil malapit na ring umere ang bagong reality talent show ng Kapamilya network na Pilipinas Got Talent. Pero imbis na maging host tulad ng nakagawian na, uupo siya bilang isa mga judge ng contest for a change. “I’m going to be one of the judges together with Freddie Garcia. Tapos ang hosts ay sina Billy (Crawford) and Luis (Manzano). But the roster of judges is not yet complete. Hindi pa napagdedesisyunan who the other male judge is.” Wala naman daw problema kung hindi siya ang napiling maghost ng show. “Okey sa akin maging judge. Mas sumikat naman si Simon Cowell ‘di ba kesa kay Ryan Seacrest. At mas mayaman si Simon,” dagdag pa niya.

Nag-shoot na rin si Kris para sa special participation niya sa Mano Po 6: My Mother ng Regal Films. Five days magshu-shoot si Kris for that movie all for the love of Mother Lily Monteverde at kay Megastar Sharon Cuneta.

Article

24

Posted on : Friday, October 23, 2009 | By : shapap | In :

Kim at Gerald walang karapatang umayaw sa ibang ka-partner
Veronica R. Samio ( PhilStar ) 10.23.09
Hindi apektado sinuman kina Gerald Anderson at Kim Chiu kung paghiwalayin man sila ng kanilang network. Mga propesyonal sila na sumusunod lamang sa mga ipagagawa nito sa kanila. Kung inaakala ng ABS-CBN na kailangan nilang makipag-trabaho sa iba, susunod sila. Kung baga sa isang opisina, trabahador lamang sila, may boss silang dapat na sundin.

Sa kasalukuyan ay may ginagawa silang pelikula na magkasama. Pero sa susunod baka sa iba naman sila itambal. Kung sila walang magagawa kaya dapat din itong tanggapin ng kanilang mga tagahanga. Huwag na silang magbanta pa ng boycott dahil wala silang kapangyarihang tumutol. Dapat lamang na suportahan nila ang kanilang mga idolo, kahit magkahiwalay pa ang proyekto ng mga ito.

Isang love triangle ang pelikula nila at sumailalim na sila sa isang workshop kay Ping Medina. Dahil mature na ang mga roles nila sa movie, hindi pa batid ng dalawa kung magkakaroon sila ng mga kissing at love scenes. Pero kung sakali mang meron, nakahanda sila.

“Hindi naman ito first time na magkakaroon kami ng kissing at lovescenes. Ginawa na namin ito before, maski na sa Tayong Dalawa, meron nito. It’s work and it’s part of our profession,” ani Gerald na nang tanungin kung hindi ba siya natatakot na maagaw sa kanya si Kim ay nagsabing : “Ngayon pa ba ako matatakot eh, magkasama kami araw-araw?”

Showbiz News Ngayon

29

Posted on : Thursday, October 22, 2009 | By : shapap | In : ,

Showbiz News Ngayon: Selosan kay Kim? c/o KGLaber
Showbiz News Ngayon: Selosan kay Kim? c/o discoverer
Showbiz News Ngayon: Selosan kay Kim?
Download this Episode
© K.I.M.E.R.A.L.D www.kimerald.tk

TV Patrol World

8

Posted on : Thursday, October 22, 2009 | By : shapap | In : ,

TV Patrol World: Shop & Sharec/o PinoyTambayan
TV Patrol World: Shop & Sharec/o discoverer
© K.I.M.E.R.A.L.D www.kimerald.tk

Article

0

Posted on : Thursday, October 22, 2009 | By : shapap | In :

Trisha Alvarez ( PeP ) 10.22.09

UPCOMING TV SHOWS. Bukod sa existing shows niya ngayon sa ABS-CBN na The Buzz every Sunday at Showbiz News Ngayon (SNN) gabi-gabi sa Primetime Bida, magsisimula na rin si Kris para sa bagong talent show ng Kapamilya network, ang Pilipinas Got Talent. Ang unang report na lumabas ay si Kris ang maghu-host ng Pilipinas Got Talent, pero nilinaw ito ng TV host.

"Sa Pilipinas Got Talent, I'm a judge with Freddie Garcia. Ang hosts sina Billy [Crawford] and Luis [Manzano]. But the judge has not been complete—Freddie, ako, and one more. Hindi pa nade-decide who the other male judge is. Okey sa akin maging judge. Mas sumikat naman si Simon Cowell, di ba, kesa kay Ryan Seacrest [sa American Idol]? At mas mayaman si Simon!" birong seryoso ni Kris.

Balik-teleserye na rin si Kris pagkatapos ng TV remake ng Patayin sa Sindak si Barbara with Jodi Sta. Maria. Kung hindi magkakaroon ng aberya, magsisimulang mag-taping si Kris ng bago niyang teleserye, na pinamagatang Kung Tayo'y Magkakalayo, on November 16.

Makakasama ni Kris sa unang pagkakataon ang sikat na loveteam nina Kim Chiu at Gerald Anderson. And for the first time, gaganap na ina si Kris sa isang young star sa katauhan ni Kim.

Paano siya napapayag na gumanap na ina ni Kim sa teleserye?

"Because she's number one!" mabilis na sagot ni Kris. "Sa bracket ng mga young stars between 18 to 20, siya talaga yung number one."

Hindi kaya magtampo ang fans ni Maja Salvador na pasok din sa age bracket na sinabi niya?

"Oh, yes. She's in that age bracket also. I love her. But si Maja is more on acting. She's actually yung mala-Lorna Tolentino and Dawn Zulueta. Tapos si Kim naman yung Sharon Cuneta and Maricel Soriano type," paliwanag niya.

Dagdag ni Kris, "You know, ayaw talaga ni James na gumawa ako ng soap. Pero mga sister [ko], they like Kim and Gerald. Kaya sabi nila kay James, 'Pumayag ka na.' Tsaka bongga ang mga fans nina Kim and Gerald! Niregaluhan sila ng tig-isang flat TV at malalaking refrigerator for Gerald nung nabalitaan nila na may bagong bahay na siya!"

Madalas din daw siyang regaluhan ng flowers and chocolates ng fans nina Kim at Gerald. But what about her own fans? Nakakatanggap din ba siya ng gifts mula sa mga fans niya mismo?

"Yes, niregaluhan nila ako ng Chanel earrings and Jimmy Choo shoes. Marami akong Chanel jewelries kasi I'm allowed!" natatawang sabi ni Kris. "[Expensive] bags lang ang di puwede. And 'C' kasi for Cory. 'Tsaka madalas din akong padalhan ng chocolates ng mga fans ko abroad, ng Patchi chocolates."

Article

1

Posted on : Thursday, October 22, 2009 | By : shapap | In :

Kuya Germs, inunawa sina Kim at Gerald
Ian F. Farinas ( Journal Online ) 10.22.09

Isa si Kuya Germs (German Moreno) sa special guests sa thanksgiving dinner ni Heart Evangelista para sa FAMAS best actress victory sa Barrio Fiesta sa SM Megamall, nu’ng Martes ng gabi.

Bukod kay Kuya Germs, naroroon din ang Mano Po 6: My Mother producer na si Mother Lily Monteverde, na siyempre pa’y tuwang-tuwa sa pagkakapanalong best actress ng bago niyang artista.

Dahil wagi rin sa FAMAS (best supporting actor para sa Paupahan) at may isyung mangiyak-ngiyak nang iwan nina Kim Chiu at Gerald Anderson ang presentasyon ng German Moreno Youth Achievement Award, in-interview din ng press ang Master Showman.

Paglilinaw ni Kuya Germs, hindi siya galit kina Kim at Gerald.

“Ba’t ako magagalit? Andu’n naman sila, eh, hindi lang nahintay ’yung pagbibigay ng award dahil sabi ng handler nila, may Araneta Coliseum pa sila.

“Tampo? Wala na sa bokabularyo ko ’yung ganyan. Sa tinagal-tagal ko sa industiya, ikaw na lang ang umunawa sa kanila,” sey nito.

Ang nangyari, kuwento ni Kuya Germs, inabisuhan sila ng Star Magic handler ng dalawang young stars na isang oras lang sila puwedeng magtagal sa seremonya at male-late sila ng dating, around 9 p.m.

“Kaya, dinelay pa namin ’yung show. ’Yung handler, pumunta kay Chuchi, ’yung sekretarya ko. Ang sabi, aalis na raw sila dahil mayroon pa silang Araneta. So, sabi ni Chuchi, ‘o sige, sila na ang susunod.’

“Pero, ’di naman puwedeng paalisin mo ’yung kumakanta sa stage. Kaya, nu’ng lumabas na ako to announce the awardees, sabi nu’ng mga tao sa itaas, ‘bumaba na, bumaba na.’

“Ang akala ko naman, pababa na papuntang stage. ’Yun pala, umalis na. Ang ginawa ko, inabot ko na lang sa mga taga-Star Magic na nasa harap ng stage.”

Itong taon lang daw niya ginawa na dalawa ang set of awardees mula sa Kapamilya Network (Kim at Gerald) at Kapuso channel (Aljur Abrenica at Kris Bernal).

Hindi pa raw sila pormal na nagkakausap nina Kim at Gerald, pero personal na tumawag si Kuya Germs sa ABS-CBN exec na si Cory Vidanes isang araw matapos ang FAMAS.

“Nag-sorry siya na may Araneta nga dahil sa Star Magic concert.

Ako na ang nagprisinta kay Cory. Sabi ko, kahit ako na ang pumunta sa ABS, magkita-kita lang kaming tatlo para mahinto na ang intriga.

“Ayoko ng intriga, ’di naman sila nag-walk-out, eh,” katuwiran pa ng beteranong TV host.

Article

1

Posted on : Thursday, October 22, 2009 | By : shapap | In :

Pinutakti
Vinia Vivar ( Journal Online ) 10.22.09

Tuwang-tuwa at impressed na impressed si Kris Aquino sa mga artistang nakasama recently sa isang get-together dinner na inorganisa niya para sa kapatid at 2010 presidentiable Sen. Noynoy Aquino, dahil napakaganda raw ng mga katanungang ibinato ng mga ito sa open forum.

Sa nasabing get-together dinner ay dumating ang Kapamilya stars kasama ang Star Magic heads na sina Johnny Manahan at Mariole Alberto.

May mga dumating din from the Kapuso Network, kaya naman super thankful si Kris sa lahat ng dumalo.

Ang nasabing get-together dinner ay in-organize niya para naman daw makilala nang husto ng mga artistang ito ang kanyang kapatid.

“Kasi nga, as you said, ’pag tinatanong ang ibang artista, why will you vote for Noy, the worst thing you can hear from an artista is, ‘kasi, close ko si Ate Kris.’ Ang pangit, ’di ba? Although it’s so touching for me, kailangan namang gustuhin n’yo ang kapatid ko for him. So, I asked them for a date, if they were all okay, I asked Noy for a date, and then, ’yun, open forum, question and answer,” say ni Kris.

Humanga raw siya sa mga tanong ng ilang artista tulad ni Bea Alonzo, who asked about taxation.

“Sabi niya, ‘tanggap namin na ang laki-laki ng ibinabayad namin, 32 percent, but dito sa income tax bracket namin, is it too much to ask po na malaman naman namin kung saan napupunta?’ That made a lot of sense, ’di ba?”

Ang concern daw ni Coco Martin ay tungkol sa mga pelikula nating nakikipag-compete sa international filmfests.

Sabi raw ni Coco, “We bring a lot of glory for the country when we compete abroad and yet there’s no funding.”

Sina Mr. M at Sen. Noy, iisa ang point of view doon. Sabi ni Noy, iisa lamang ang puwede naming ibigay sa inyo, tax break, but once we start funding you, that means we’ll start dictating upon you.

“Art and government should never mix.”

Sabi ni Mr. M (kay Noy), “I totally agree with you, hindi talaga ’yan tama, separation talaga dapat.”

Sina Jake Cuenca at Gerald Anderson naman daw, nagsabing nakita nila ang sitwasyon ng mga sundalo habang nagti-taping ng Tayong Dalawa.

“Sa PMA (Philippine Military Academy), they saw na kahit paano, okay. Pero sa (Camp) Capinpin (sa Tanay, Rizal), na sila ang unang sumasabak, they have one uniform a year, and then, tinatanong nila what are you planning to do to improve the situation?”


Dumating din daw si KC Concepcion, who had a very good question about education.

“She asked about voucher system sa education. Sa U.S. kasi, there’s such a thing. Voucher system, ’yung babayaran mo ang private schools for the kids based on the pondo of gobyerno, and in essence, nataas mo ’yung kalibre rather than gagastos ka ng millions sa infrastructure.

“So, ’yun ang tinatanong ni KC, ‘what do you think about the voucher system?’ So, parang mararamdaman mo nga talaga na she did her research, she did her homework na talagang nakaka-impress,” proud na kuwento pa ni Kris.

Edukasyon din daw ang concern ni Diet, na nagsabing nang pumunta siya minsan sa isang liblib na lugar at nakitang apat na oras ang lalakarin ng mga bata bago makarating ng school, pati ang libro ng mga ito, si Presidente Ramos pa ang nakalagay.

“’Yung nakita mo na ’yung effort ng mga bata, and yet hindi napopondohan nang tama.”

Humanga rin siya kay Piolo Pascual, na nagsabing “wasn’t it that in the Constitution, the biggest allocation should go to education, so, bakit ganu’n?

“So, sabi ko, ‘wow, nagbabasa, in fairness,’” say ni Kris.

Pero ang pinakamaganda raw question for her that night came from Anne Curtis.

“Sabi niya, I already told Ate Kris na I’m supporting you but I don’t want my support to end after you take your oath of office. I want to be involved in the next six years because I put a stake in you. So, what is it that we can do? Doon ako na-impress,” kuwento ni Kris.

“It’s a new generation, mapi-feel mo talaga na ano… malaking bagay na rin siguro ang Internet, Facebook, Twitter, na mababasa mo talaga. Ang dali na ring mag-Google sa Internet.”

Thankful din ang TV host-actress kay Kim Chiu, na dumalo rin and after ng dinner, nag-text ito sa kanya na dati ay dinededma niya ang pagboto, pero this time, magpaparehistro na siya para makaboto and at the same time, makaengganyo rin ng mga kabataan para magparehistro at bumoto.

Article

0

Posted on : Thursday, October 22, 2009 | By : shapap | In :

Kris Aquino returns to acting
Alex Valentin Brosas ( Manila Bulletin ) 10.22.09

After a few years of mainly doing hosting chores, Kris Aquino is now set to return to acting via ABS-CBN's "Kung Tayo'y Magkakalayo."

Based on this development, Kris will not be hosting the game show, “Pilipinas Got Talent,” which was offered to her prior.

Instead, the job of hosting the reality-based talent search went to Billy Crawford, with Kris merely sitting in as one the judges.

Kris has also returned to acting in the movies. She will essay the role of Sharon Cuneta's best friend in Regal Entertainment's "Mano Po 6: My Mother,” agreeing to do so gratis et amore.

Of late, Kris has been busy helping Ondoy victims, going as far as Laguna to distribute relief goods. She also donated an imported bag to Angel Locsin's celebrity online auction, Shop and Share, to help Ondoy victims.

"Kung Tayo'y Magkakalayo," which also stars the popular tandem of Kim Chiu and Gerald Anderson, will be Kris's first time to work with action superstar Robin Padilla in a soap opera. It can be recalled that she was once linked to Robin during the time the action star had just begun building a name for himself.

The popular hosts' first soap was ABS-CBN's "Hiram" in which she played the role of Diana Benipayo, an insecure woman in love with the character played by actor John Estrada.

Article

5

Posted on : Thursday, October 22, 2009 | By : shapap | In :

Liza Endaya ( Bulgar ) 10.22.09

Aminado si Gerald Anderson na ang magagandang pangyayari sa buhay niya ngayon ang dahilan ng kanyang pagbu-bloom, not only as an actor but also as a person. Lalo kasing gumuguwapo at young looking pa ngayon ang young actor.

"Masaya lang ako dahil sa dami ng blessings na dumarating sa buhay ko, sa mga pagkakataong dumarating sa akin, sa aking career.

"Ibang klase kaya talagang nagpapasalamat ako sa mga nagtitiwala at patuloy na sumusuporta sa akin," naging pahayag ng young actor nang makausap namin recently.

Totoo rin daw na mas naging close sila ni Kim Chiu sa isa't-isa ngayon.

"Actually, wala namang pagbabago, close pa rin kami sa isa't-isa ngayon.

Lagi rin kasi kaming magkasama, kaya masaya, di ba? Mas maganda si Kim ngayon? Naman!" nakangiting pa-totoo ni Gerald.

Very excited na ang aktor sa gagawin nilang pelikula ni Kim na magiging unang handog ng Star Cinema sa 2010.

"Nagpapasalamat nga kami sa trust nila sa amin ni Kim. Actually nakaka-pressure na kami kumbaga 'yung pang-open next year, 'yung movie project namin. Kaya naman gagalingan namin ni Kim. We'll give our best for the project na ipinagkatiwala sa amin ng Star Cinema."

Hindi pa raw sure si Gerald kung magkakaroon sila ni Kim ng kissing scene at bed scenes sa kanilang movie na gagawin. Basta sigurado raw ay mature roles na ang gagampanan nila sa movie.

"Kung merong kissing at bed scenes, nagawa na nga namin 'yun sa Tayong Dalawa, 'di ba? So kung meron, okey lang naman. Mas maganda nga , e," natatawang sabi pa ng aktor.

Pero paano kung sa ibang leading man-actor na maki-pag-kissing scene si Kim?

"Siyempre, masakit na masakit. Pero alam mo 'yun, okey lang kung ako lagi ang makaka-kissing scene niya.

"Pero trabaho namin ito, eh, kaya kasama rin 'yun. One day, kung hindi man kami, may mga ibang actors din kaming makakasama at makaka-partner sa pelikula, paliwanag at pang-uunawa pa ni Gerald.

Korek! At least naman, naiintindihan na ng young actor na darating at darating ang pagkakataong 'yun. At mukhang ready naman siya.

Article

0

Posted on : Thursday, October 22, 2009 | By : shapap | In :

Seventy Star Magic artists in ‘biggest charity concert’
( Malaya ) 10.22.09

Pelita Uy of Beginnings at Twenty Plus, one of the team behind a landmark charity "the biggest charity concert" as seventy (possibly more) artists of ABS-CBN come together for a good cause.

The exciting event was conceived a little after the staging of the successful Star Magic world concert tour four months ago. Filipinos in Los Angeles and San Francisco California were treated to two days of world-class entertainment participated by the most renowned artists, the funniest comedians and the best singers from the Philippines. It was produced by All Access in Los Angeles and Shoe String Entertainment and graced by 45 talents from Star Magic.

Due to the overwhelming success in North America, Beginnings At Twenty Plus Inc. of Stanley and Pelita Uy, which participated as a presentor in the Los Angeles show, together with Star Records Inc. (headed by Malou Santos and Annabelle Regalado-Borja) and Blue Dream Entertainment of Christian Andoy thought of giving Pinoys here the opportunity to watch seventy of the biggest and the brightest Star Magic artists perform in one stage. But aside from seeing a spectacular show, the audience will also be contributing to the ABS-CBN Foundation’s Sagip Kapamilya, which has been continuously reaching out to the victims of Ondoy and Pepeng,

With the plight of the millions of victims and survivors still lingering in their minds and with their awareness of the impact of disasters to our people, producers Star Records Inc, Beginnings At Twenty Plus Inc. and Blue Dream Entertainment once again unite in responding to their shared conviction of giving the proceeds of the ticket sales to ABS CBN Foundation Inc.-Sagip Kapamilya. Sagip Kapamilya is the emergency humanitarian assistance program of ABS-CBN Foundation, Inc. which aims to provide food and non-food relief to affected communities of disasters, rehabilitation and disaster-risk reduction projects.

"These are trying times. Never in the history of our disaster-prone country did we experience the catastrophic forces of nature rendering all faction of society in equal terms. All of us are affected, either directly or indirectly. It’s time for all of us to listen to God’s call," said Pelita, who in her personal capacity has reached out to some of the victims, especially as three staffs of Beginnings at Twenty Plus were themselves not spared by the calamity.

"In desperate times like these , only our fellow Filipinos can help us .We cannot stop now," added Christian of Blue Dream Entertainment.

All Star Magic artists who has been active in raising funds for typhoons’ survivors supported the endeavor of the producers and volunteered to donate all their talent fees. "When Mr. Johnny Manahan informed us that the Star Magic artists decided to give all their talent fees in this concert, we know that they made a big sacrifice.We have high hopes that many will give their share by supporting the concert," enthused Annabelle Regalado-Borja of Star Records Inc.

The show will be led by Piolo Pascual and Claudine Barretto and joined by Sam Milby, Diether Ocampo, Kristine Hermosa John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Gerald Anderson and Kim Chiu.

Also in it are Enchong Dee, Xian Lim, Erich Gonzales, Melissa Ricks, Matt Evans, Pokwang, Chokoleit, Kitkat, Bentong, Rafael Rosell, Zanjoe Marudo, Victor Basa, Jon Avila and Jake Cuenca.

Angelica Panganiban, Maja Salvador, Shaina Magdayao, Roxanne Guinoo, Robi Domingo, Rayver Cruz, Mickey Perz, Sam Concepcion, Dino Imperial, AJ Perez, Chris Gutierrez, Enchong Dee

Jed Madela, Nikki Gil, Sheryn Regis, Laarni Lozada, Ronnie Liang, Jay R Siaboc, Yeng Constantino, Nikki Valdez, Jason Gainza, Wendy Valdez, Bangs Garcia, Guji Lorenzana, JM Rodriguez, Alfred Gatchalian, Lauren and Megan Young.

Gabby Concepcion and Vina Morales are also performing.

The biggest and once-in-a-lifetime gathering of the brightest stars in the Philippines will be directed by no less than Johnny Manahan.

For tickets, call Ticketnet at 911-5555.

Article

1

Posted on : Thursday, October 22, 2009 | By : shapap | In :

Kim-Gerald, ‘pinaiyak’ si Kuya Germs
Jojo Gabinete ( Abante Online ) 10.22.09

Itinanggi ni Kuya Germs ang balita na na­galit siya kina Gerald Anderson at Kim Chiu dahil umalis agad ang dalawa sa PAGCOR Theater kaya hindi nila personal na tinanggap ang German Moreno Youth Achievement Award.

May balita na napaluha si Kuya Germs sa nangyari at hindi niya ito itinanggi nang makausap namin siya. Sana raw, sinabi sa kanya na aalis o nagmamadali sina Kim at Gerald dahil tiyak na gagawa siya ng paraan na ma-adjust ang program para hindi nasayang ang pagdalo ng dalawa.

Ipinadala na ni Kuya Germs sa ABS-CBN ang mga trophy na ipinagkaloob niya kina Kim at Gerald.

Article

0

Posted on : Thursday, October 22, 2009 | By : shapap | In :

Kim at Gerald, naintindihan ni Kuya Germs
Jun Lalin ( Abante-Tonite ) 10.22.09
Nilinaw ni German Moreno na hindi siya na­galit kina Kim Chiu at Ge­rald Anderson nang hindi na mahintay ng mga ito ang German Moreno Achievement Award noong Sunday sa 57th FAMAS Awards Night.

“Nanghinayang lang ako na hindi nila perso­nal na natanggap ‘yung para­ngal na binigay ko sa kanila. Dumating sila sa event, pero hindi ako kaagad na-inform na isang oras ang sila puwedeng mag-stay roon dahil kailangan pa nilang pumunta sa Araneta Coli­seum para sa commitment nila roon,” paha­yag ni Kuya Germs.

“Tumawag pa ako kay Cory (Vidanes, isa sa top executives ng ABS-CBN) para i-explain na hindi ako galit. Baka kasi kung ano pa ang makarating sa kanila.

“Noon kasing paalis na sina Kim at Gerald, saka lang nagsabi ‘yung kasama nilang handler na kaila­ngan na nilang umalis.

“Sabi sa kanila ni Chuchi, isusunod na ‘yung portion nina Kim at Gerald, pero dahil may kumakanta pa, tinapos muna namin ‘yung number na ‘yon.

“Nang umakyat na ako sa stage para i-present sa kanila ‘yung karangalan na ‘yon, ala na sila.

“Nagulat ako at umalis na pala sila, pero naintindihan ko na may iba pa silang commitment.

“Ang sa akin lang, sana, sa akin mismo sinabi na kailangang umalis kaagad nina Kim at Gerald para pagdating nila eh sila na kaagad ‘yung isinalang ko. Pero hindi ko naman alam.

“Habang nasa stage ako, tinawag ko ‘yung mga kasamahan nila sa Star Magic at ibinigay ko ‘yung parangal nila,” paliwanag ni Kuya Germs, na nagwaging best supporting actor sa FAMAS para sa pelikulang Paupahan.

Article

1

Posted on : Thursday, October 22, 2009 | By : shapap | In :

Role models for the youth
Photo by Enie Reyes ( PhilStar ) 10.22.09
MANILA, Philippines - Kim Chiu and Gerald Anderson were the recipients of the German Moreno Special Award for youth achievement and for being role models for their peers during the 57th FAMAS Awards held last Sunday night at the PAGCOR Grand Theater in ParaƱaque City.

Fondly known as Kuya Germs, German is noted for helping young talents who want to enter showbiz, giving them time and space in his TV shows.

Kim’s gown was designed by Song Medina.

Article

1

Posted on : Thursday, October 22, 2009 | By : shapap | In :

Nitz Miralles ( PhilStar ) 10.22.09

Nilinaw ni Kris na hindi talaga siya ang host ng Pilipinas Got Talent dahil it was never offered to her at ang maging resident judge lang ang ini-offer sa kanya. Makakasama niyang judge si Mr. Freddie Garcia at isa pang hindi napi­pili. Sina Billy Crawford at Luis Manzano ang mga hosts ng talent show.

Sa Nov. 16, magsisimulang mag-taping si Kris ng bago niyang soap sa ABS-CBN entitled Kung Tayo’y Magkakalayo, to be directed by Erick Salud and Trina Dayrit, the same team behind Tayong Dalawa. Gaganap siyang ina ni Kim Chiu at sa tanong kung bakit siya pumayag maging ina ni Kim, ang sagot ni Kris ay “because Kim and Gerald (Anderson) are the number one young stars of their age bracket.”

Kundi Jan. 25, 2010 ay sa February ang airing ng soap, kung saan big male star ang makakapareha ni Kris.

Article

8

Posted on : Wednesday, October 21, 2009 | By : shapap | In :

Gerald Anderson to portray a teenager with Tourette Syndrome in Maalaala Mo Kaya
Julie Bonifacio ( ABS-CBN Interactive ) 10.21.09
Perfect choice si Gerald Anderson para gumanap sa isang mapaghamong role sa isang espesyal na episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK) sa ABS-CBN. Sa kauna-unahang pagkakataon ay gagampanan ni Gerald ang role ng isang may Tourette Syndrome (TS) sa una niyang paglabas sa longest and most awarded drama anthology on television. “Nung sinabi pa lang sa akin, na-excite na ako. Tapos nung binasa ko ‘yung script lalo ako’ng kinabahan. Pero alam mo sana lang magawa ko ito ng maayos at sana magustuhan ni Jerome (Concepcion, letter sender sa MMK na may (TS) ang gagawin ko’ng pagganap sa kanya at makapagbigay inspirasyon lalo na sa mga taong may TS,” bungad ni Gerald.

Personal na na-meet ni Gerald si Jerome sa isinagawang briefing ng staff ng “Maalaala Mo Kaya” na ginanap sa Bagoong Republic last Friday, Oktubre 16. Present doon ang direktor ng episode na si Ruel Bayani, scriptwriters ng MMK, si Jerome at ang kanyang ina na si Criselda Concepcion. Nandun din ang President ng Philippine Tourette Syndrome Association (PTSA) president na si Rowena Victorino at ang vice-president na si Marlon Barnuevo. Member ng bandang 3rd Avenue si Marlon na meron ding TS.

Para sa kaalaman ng iba, ang TS ay isang hereditary na sakit na may kombinasyon ng ADHD (attention-deficit hyperactivity disorder, obsessive-compulsiveness, at neuro-behavorial complex. Sa murang edad ay nagmamanifest agad ito sa pamamagitan ng tics (involuntary sounds or movements such as eye-poking, coughing, head-banging etc.) na mas lalong nagiging kapansin-pansin kung ang pasyente ay under stress. Ngunit kadalasan ay namimisinterpret lang ito na simpleng kakulitan ng bata kaya hindi agad nada-diagnose na TS.

“Nu’ng una, alam mo ‘yung…parang nakakakawa. Pero kapag nakita mo, kapag nakausap mo siya (Jerome), confident siya. Kumbaga, hindi naging sagabal ‘yung sakit niya sa kanya. Ganun si Jerome,” kwento ni Gerald. Ano ang na-feel niya nung nalaman niya na siya ang napili para gumanap sa katauhan ni Jerome sa MMK? “Iba,” diin ni Gerald. “Sobrang nakakataba pa rin ng puso. Nakaka-inspire dahil yun nga sa dinami-dami (ng artista) ako ang pinili. Ipagdadasal ko na lang na magawa ko ito ng mabuti.”

Very challenging kay Gerald ang character na gagampanan niya kaya talagang pag-aaralan daw niya ito ng maigi. “Sa internet papanoorin ko lang tapos sasabihin nila kung ano ang mga symptoms at kung bakit nangyayari ito. And yun nga, minsan nangyayari ‘yan umpisa pa lang sa bata. Pagdating mo ng 18 years old lumalala.” Sa initial na pagkikita pa lang ba nila ni Jerome naisip na ba niya kung paano niya aatakihin ang role? “Sampol? Hahaha! Naku, huwag muna sampol. Biglaan naman,” nakangiting sabi ni Gerald. “Basta alam ko ibang klaseng experience ito. Sobrang malaking tulong talaga sa akin na nakita ko siya ngayon ng personal, kung paano siyia gumagalaw, kung paano siya nagsasalita, kung paano siya nag-iisip, ‘yung mga sinasabi niya.”

Kahit na noon lang niya nakilala si Jerome at ang ina nito ay naramdaman daw ni Gerald ang labis na paghihirap na pinagdadaanan ng kanilang pamilya. “Hindi biro ang pinagdadaanan nila dahil yung isa pang kapatid ni Jerome may TS din. Pero nakikita ko na very supportive ang mommy niya sa kanya. Tanggap (ni Mommy Criselda) yung kahinaan ng anak niya at kahit ano’ng mangyari nandu’n pa rin siya.”

Sa huli ay nagbigay na lang ng mensahe si Gerald sa mga avid viewers ng MMK. “Sana sa episode na ‘yun ma-inspire ko ang mga tao kahit yung walang TS na wag bibitiw sa kanilang mga pangarap kahit ano pang hadlang ang dumating sa kanilang buhay,” tapos ni Gerald.

Article

7

Posted on : Wednesday, October 21, 2009 | By : shapap | In :

Premiere Shots: Pa-bonggahan sa Famas Awards
Faith Salazar, Photos by Luz Candaba ( Pinoy Parazzi ) 10.21.09

Bongga ang 57th Annual Famas Awards na naganap noong Oktubre 18, 2009 sa Grand Theater ng PAGCOR sa Paranaque. Hindi pinalampas ng ating stars na pumorma ng todo with their glittering gowns. Ano ba kakaibang trend this year? May bongga, meron din namang so-so, meron ding pa-sexy. Pero kita talagang lahat ng stars ay gustong mag-stand out sa event na ito huh! Sino naman kaya ang humakot ng spotlight this year?
www.kimerald.co.nr www.kimerald.tk

Article

11

Posted on : Wednesday, October 21, 2009 | By : shapap | In :

Kuya Germs, ‘di raw binastos nina Kim Chiu at Gerald Anderson
Morly Alinio ( Pinoy Parazzi ) 10.21.09
Matindi pa rin ang sama ng loob ni German Moreno matapos na “isnabin” nina Kim Chiu at Gerald Anderson ang kanyang German Moreno Youth Achivement Award sa nakaraang FAMAS. Feeling ni kuya Germs ay binastos siya ng loveteam ng Dos.

“Hindi ko talaga alam kung ano ang dahilan nila dahil in the first place, alam nila na tatanggap sila ng award, pero nu’ng tinatawag na ang pangalan nila,e, wala na sila,” himutok ni kuya Germs na sa kauna-unahang pagkakataon ay ngayon lang “naisnab” ang recognition na taunan niyang ibinibigay sa mga pinakamainit na youngstar ng bansa.

Sabi naman nina Kim at Gerald, walang katotohanang inisnab nila ang recognation na ibinigay sa kanila ni kuya Germs dahil bago pa sila magtungo sa FAMAS ay alam na ng pamunuan ng nasabing award-giving body na saglit lang sila sa nasabing okasyon dahil may kanya- kanyang silang taping na dapat tapusin.

Ang Star Magic na mismo ang nagsabing walang intensiyon sina Kim at Gerald na bastusin ang special award ni Kuya Germs, nagkaton lang na kailangan na talagang bumalik ng dalawa sa kani- kanilang tabaho. “Actually, dapat nga ay hindi na darating sina Kim at Gerald kasi nga ay may taping sila pero mas ginusto nilang magpunta kahit saglit dahil gusto nga nilang ma-feel ‘yung FAMAS at excited sila sa award ni Kuya Germs. Kaya lang, medyo mahaba at matagal nagsimula ang FAMAS kaya hayun kinailangan na nilang umalis,”’ pagtatanggol ng isang taong nagmamahal kina Kim at Gerald.