The Buzz

0

Posted on : Sunday, May 31, 2009 | By : shapap | In : , ,

Buzz Express c/o kristt
Buzz Express c/o discoverer
Buzz Express
Download this Episode
© K.I.M.E.R.A.L.D www.kimerald.tk

ASAP 09

4

Posted on : Sunday, May 31, 2009 | By : shapap | In : ,

ASAP 09 1 , 2 , 3 c/o kristt
ASAP 09 1 , 2 , 3 , 4 c/o discoverer
ASAP 09
Download this Episode
© K.I.M.E.R.A.L.D www.kimerald.tk

Article

1

Posted on : Saturday, May 30, 2009 | By : shapap | In :

Kim Chiu would be sad if love team with Gerald breaks up
Rose Garcia ( PEP ) 05.30.09
Kahit ang cast daw, hindi raw nila alam kung ano talaga ang mangyayaring ending sa triangle ng dalawang David Garcia at ni Kim bilang si Audrey. Sa ngayon, ikinasal na nga sina Kim at Jake, pero mahaba pa raw ang itatakbo ng kuwento at na-extend na nga ito nang na-extend.

During the question and answer portion at 55 Events Place last night, kunsaan ay ginanap ang thanksgiving party at presscon for the series, tinanong namin si Kim, kung sakali at siya ang scriptwriter ng Tayong Dalawa, sino sa dalawang David-Gerald and Jake-ang pipiliin niyang makatuluyan ni Audrey?

Ang sagot ni Kim, "Ang hirap naman nu'n! Hindi ko alam. Parang ang haba naman kasi ng hair ko," natatawa niyang sabi. "Siguro, magmamadre na lang ako."

Siyempre pa, if that's to happen, ang mag-madre na nga lang si Audrey sa ending, that could not be a good suggestion sa totoong writer ng Tayong Dalawa.

After ng Q and A, tinanong naman namin si Kim kung malulungkot ba siya, if ever nga, na at the end, hindi pala sila ni Gerald ang magkatuluyan sa Tayong Dalawa?

"Medyo malulungkot din naman kasi maraming fans ang may gusto na Kimeralds. Gustong-gusto talaga nila na magkatuluyan ang Kim and Gerald, pero kami rin naman, hindi namin alam kung ano ang mangyayari.

"Kasi, sa Tayong Dalawa, parang ang daming twist na nagaganap. So, hindi mo alam kung kanino mapupunta itong taong ito. Sinong aawayin niya. Sobrang dami talaga na kahit kami, nagugulat sa mga script na dumarating."

GERALD AND SARAH?
Aminado si Kim Chiu na nakakaramdam siya ng kaba if ever na magkatotoo nga ang balitang ang ka-love team niya na si Gerald Anderson will soon be paired with Sarah Geronimo. Nangangahulugan siyempre na medyo magkakahiwalay muna sila as a love team.

"Opo, siyempre kinakabahan, kasi hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa akin kapag magsosolo na ko. Iba rin kasi yung feeling kapag kasama mo si Gerald. E ngayon, kung maging ano man sila ni Sarah... kung maging love team man sila, siyempre, ganyan talaga ang showbiz, walang forever. Yun... masaya naman ako para sa kanilang dalawa."

Sa love team naman daw, most likely ang babae ang mas madaling nakakayanang mag-isa.

"Depende naman po yun, e. Ngayon, hindi ko pa po alam kung ano ang mangyayari. Like now po, wala pa po akong nababalitang ipe-pair rin sa akin," natatawa niyang sabi.

Kung siya ang masusunod, sino ba ang gusto niyang makasama?

"Naku, may ganoon? Kahit sinong partner, okey lang."

DIFFERENT ANSWERS.
Magkaiba ang naging tugon nina Kim at Gerald sa tanong kung madalas pa rin ba ang communication nilang dalawa. Ang sagot ni Gerald nang makausap namin ay hindi raw nawawala yun at sa salita niya, even at midnight ay nagkakausap sila. Pero salungat naman yun sa unang tugon ni Kim.

Aniya, "Hayun... hindi kami masyadong nagkakasama sa taping, sa ibang unit siya. Kami kasi ni Jake, kasal na. Kami ang palaging magkasama. Minsan na lang kaming nagkakausap. Kapag nalilipat ako sa unit nila, may tatlong eksena ako ru'n, nagkukuwentuhan kami, ganu'n..."

We told her na magkaiba ang sagot nila.

Nakangiting sabi ni Kim, "Minsan naman, minsan may time pero hindi naman yung lagi-lagi."

Pati midnight daw, e...

"Ganun ba? Ewan ko," nangingiti niyang sabi.

Anong klaseng relationship nga ba ang meron silang dalawa ngayon?

"Walang yes or no, parang go with the flow kung anuman meron kami, masaya na kami ru'n. At saka, hindi naman namin tinatanong ang isa't-isa."

Ayon kay Gerald, wala pa rin daw kasing commitment, na dapat sa kanya manggaling (Kim). So, bakit nga ba hindi niya maibigay ang commitment na yun?

"Ano... parang masyado pang ano para magka-boyfriend, girlfriend. Busy, baka hindi mo naman maasikaso. Baka kapag naging kayo, maghiwalay lang kayo kasi wala kayong time para sa isa't-isa."

OTHER WOMEN. Posible bang may takot din siyang napi-feel dahil nali-link si Gerald sa iba pang babae?

"Siyempre, meron din," pag-amin ni Kim. "Pero, hindi naman babaero si Gerald. Sa tingin ko, hindi naman siya babaero. Kapag may gusto siya, yun lang talaga. At saka, kung magka-girlfriend man siya, iisa lang talaga ang mamahalin niya."

Dugtong pa niya, "Super special friendship lang ang meron kami ni Gerald. At kaya naman hindi ako naniniwala na meron siya... kasi, hindi naman ganoon yun, e. Hindi naman siya palalabas na tao. Hindi naman siya gimikero na tao. Parang wala sa personality niya yung ganoon."

Tahasan namang sinasabi ni Jake Cuenca kapag tinatanong ito na ang favorite leading lady raw niya ay si Kim.

"Naku naman itong si Cuenca," nakangiting sagot ni Kim. "Cuenca ang tawag ko sa kanya, e. Hayun, niloloko niya kasi ako palagi sa set na payat-payat. Tapos, pinaglalaruan niya ako palagi. Minsan, umuupo siya, iniipit niya ako sa upuan. Tapos sasabihin niya, akala ko unan, yung ganyan," natatawang kuwento ni Kim.

May nagtanong tuloy kung dumating ang puntong magkatotoo na pareho ngang magkagusto even in real life sa kanya sina Gerald at Jake, may pag-asa raw kaya ang huli sa kanya?

"Naku, hindi naman ako gusto niyan! May iba siyang gusto," natatawa pa rin niyang sabi.

Sino pala gusto ni Jake?

"Secret! Tanungin n'yo sa kanya. Ha ha ha! Pero, okey naman si Jake. Okey naman siya."

Pero ano nga ba ang pakiramdam niya sa tinuran nito na siya ang favorite leading lady since marami-rami na rin naman ang nai-pair rito?

"Ano... masaya. Siyempre, masaya rin. Kasi, masaya kaming nagkakasama. Nagtatawanan kami. Kapag may mga eksena kaming mga medyo titigan nang matagal, parang hindi pa nagka-cut pero kina-cut na namin kasi nakakatawa."

GERALD STILL THE ONE.
But on her part, of course, masasabi niyang si Gerald ang favorite leading man niya.

"Oo naman, si Gerald talaga. At saka, alam naman na niya. Kilala na niya ko. Like, 'o, Ge, tulungan mo naman ako. Ano ba ang gagawin ko rito?' ganito, ganyan."

Sa ngayon, hindi maikakaila na sa Kapamilya network, si Kim na yata ang maituturing na pinaka-in demand endorser ngayon. Left and right ang mga TV commercials niya at the same time, masasabing intact pa rin naman ang wholesome image na nagustuhan sa kanya ng mga tao even when she was still at the PBB house.

Pero kung siya ang tatanungin, ano nga ba ang masasabi niyang mga nabago na sa kanya three years after she joined PBB?

"Sa akin po, natuto na po akong umarte. The way ako manamit siguro, sa lifestyle ko. At sa pag-iisip ko, ganoon..."

Being the breadwinner, ano na ang mga na-accomplish niya?

"Wala pa po, e... ipon lang ako nang ipon ngayon. Pero nakabili na ako ng lupa sa Katipunan. Hopefully, mapatayuan ko na po siya ng bahay ko. Sa mga kapatid ko po, yun po, ako pa rin po ang nagpapaaral sa kanila. Meron na pong naka-graduate sa kanilang isa last year, naka-graduate na siya ng nursing."

Since sa ngayon, nasa Cebu pa raw ang mga kapatid niya, ang plano ni Kim ay doon muna sila, pero pag napagawa na niya ang bahay niya, saka niya raw kukunin sila para magkasama-sama na sila.

OWN FAMILY DRAMA. Mabilis naman ang naging sagot niya sa tanong namin kung ano pa sa tingin niya ang kulang sa kanya ngayon...

Aniya, "Pagmamahal! Pagmamahal ng pamilya."

Hindi ba siya mahal ng pamilya niya?

"Siyempre mahal din. Pero, kulang din ang pagmamahal ng nanay, pagmamahal ng tatay na nagsusubaybay sa yo. Kaya yun..."

Ang tatay raw niya ay nasa Mindoro since may sariling pamilya rin daw ito ru'n. Ang nanay naman niya ay isang open book na rin sa lahat na matagal na niyang hindi nakikita.

Sa kasikatan niya ngayon, wala pa rin bang time na nagparamdam na ang ina sa kanya?

"Ah, hindi pa... at saka, hindi ko na rin iniisip yun. Hayaan na natin siya. Parang wala lang...."

Masu-surprise pa rin ba siya if one day lumitaw na nga ito?

"Feeling ko, hindi na... or, ewan ko. Kung anuman ang gustuhin niya."

Hindi itinanggi ni Kim na hindi maiaalis na may sama ng loob siyang nararamdaman, pero aniya, ayaw raw niyang nagtatanim ng galit.

"Ayokong magtanim ng galit, kasi siguro... wala naman siyang kasalanan. At saka, sa lahat ng dumarating sa akin ngayon, siguro ito na yung sukli ni God dahil pinagkaitan niya ako ng pamilya. Heto, binigyan naman niya ko ng ganitong chance."

Article

3

Posted on : Saturday, May 30, 2009 | By : shapap | In :

Gerald Anderson confides he and Kim have gone beyond "M.U."
Rose Garcia ( PEP ) 05.30.09
There's no doubt, one of the most successful teen love teams of this generation is a product of the Pinoy Big Brother Teen Edition—Gerald Anderson and Kim Chiu. In fact, sa kasalukuyan nilang primetime series, ang Tayong Dalawa, both have proved na hindi lang sila sa mga pa-cute-cute roles puwedeng isabak.

Yun nga lang, hindi pa man nagtatapos ang Tayong Dalawa and in fact, mag-e-extend pa nga ito nang matagal-tagal, pero marami na ang nagtatanong kay Gerald during the presscon and thanksgiving party of the show kung may kasunod pa rin ba silang team-up ni Kim, now that, there are rumors na sila naman ni Sarah Geronimo ang ipe-pair.

As for Gerald, "Wala pa naman... hindi pa naman confirm. At saka, wala namang nag-offer sa amin nang official. Ano lang, talagang ganito lang, tsismis lang talaga. It's very, very overwhelming talaga, pero, I don't know... masaya ako who I am now, whom I'm working with."


Saan nga ba siya mas excited sa ngayon, ang makapareha rin si Sarah or ang magtuloy-tuloy pa sana ang love team nila ni Kim?

"Ako naman, okey naman ako. Kung ano ang gusto ng ABS-CBN. Kung gusto nila akong i-pair sa iba. Kung gusto nilang i-pair si Kim sa iba, wala na kaming magagawa. Tingin ko, after three years, handa na rin kami ni Kim dahil marami na rin kaming pinagdaanan.

"Pero yun nga, I'm very comfortable with Kim and I would love to have more projects na kasama siya."

KIM STILL CALLS.
Sa ngayon, bihira na raw silang magkita ni Kim lalo pa nga't hindi sila ang madalas na nagkakasama ngayon sa mga eksena sa Tayong Dalawa.

"Hindi naman nawawala ang communication. Trust me! Hindi talaga," natatawang sabi niya. "Although, sobrang bihira yung makalabas kami, kung may time lang. Pero yun nga, kung mapapansin n'yo, lately, nasa hospital lang ako. Siya, mas marami siyang scene with Jake. Minsan may days na wala akong taping, sila meron."

Pero tinatawagan niya si Kim?

"Of course! Araw-araw! As in, araw-araw talaga! Morning, lunch, dinner at pati midnight break! Siyempre, sanay ako sa mga break namin sa taping."

At this point, kaya na ba niyang i-define kung ano talaga ang meron sa kanilang dalawa ni Kim?

READY TO COMMIT. "Gusto ko ngang sabihin na lampas na kami sa M.U. (mutual understanding)," nakangiti niyang sabi.


So, ano't hindi niya masabi?

"Kasi, hindi pa... wala pa yung commitment sa isa't-isa. Yung talagang bawal mag-date. Wala pa sa amin yun. Siyempre, yung mga ganoong bagay naman, kay Kim na yun puwedeng manggaling. Like I've said, handa na ko, e."

At this point, masasabi na ba niyang na-establish na rin siya bilang isang actor talaga, especially with what he is showing in Tayong Dalawa, na kahit wala na ang love team, kaya na niya?

"Well, dahil sa Tayong Dalawa, mas naa-appreciate ako ng mga tao with my acting skills. Kung wala na kami ni Kim after this, at least we were able to make Tayong Dalawa na acting skill at naging big hit."


TWO DAVIDS. How does he feel na palaging may comparison sa isa pang David Garcia sa show, si Jake Cuenca at siya?

"E, hindi maiiwasan yun. Dalawa kaming lalaki na magkasama sa isang show at isang babae lang ang pinag-aagawan namin, so, talagang hindi maiiwasan yun."

May pressure ba sa kanya yung comparison?

"Hindi naman pressure, pero, hindi naman ako kumbaga, we both do our part. Talagang bigay na bigay namin yung sarili namin. Lahat, talagang focus kami sa show. And I'm happy na si Jake yung isang lalaki na kasama namin."

Marami na ang nag-e-expect, especially the Kimerald fans na ang ending pa rin ng Tayong Dalawa ay silang dalawa ni Kim ang magkakatuluyan. If ever kaya na si Kim ay si Jake talaga ang makatuluyan, sasama ba ang loob niya?

"Sasama ba ang loob ko? Well, basta kumbaga, close siya sa istorya at hindi nasira yung istorya dahil du'n. Kasi ako, kumbaga, ako, gusto ko, anything goes for the show. Kung yun ang makakaganda sa show namin, e, di okey."

Lastly, ano nga ba ang masasabi niyang mga nabago sa kanya ng Tayong Dalawa?

"Marami... marami... sa tingin ko, as an actor, I've matured. Mas marami na akong alam tungkol sa craft ko. As a person, mas aware ako, mas professional, mas focus. Kasi, yung mga kasamahan namin dito, you have to be focus."

Showbiz News Ngayon

3

Posted on : Friday, May 29, 2009 | By : shapap | In : , ,

SNN: TD Thanksgiving + ABS-CBN Pa-Burgerc/o kristt
SNN: TD Thanksgiving + ABS-CBN Pa-Burger c/o discoverer
SNN: TD Thanksgiving + ABS-CBN Pa-Burger
Download this Episode
© K.I.M.E.R.A.L.D www.kimerald.tk

TV Patrol World

1

Posted on : Friday, May 29, 2009 | By : shapap | In : , ,

'Tayong Dalawa' Thanksgiving Party c/o kristt
'Tayong Dalawa' Thanksgiving Party c/o discoverer
'Tayong Dalawa' Thanksgiving Party
Download this Episode
© K.I.M.E.R.A.L.D www.kimerald.tk

Pure 'N Fresh Top Teen Awards 2009

0

Posted on : Wednesday, May 27, 2009 | By : shapap | In :


Article

0

Posted on : Wednesday, May 27, 2009 | By : shapap | In :

Gerald, next John Lloyd ng Dos
Vinia Vivar ( Bulgar ) 05.27.09
Magsisimula nang sumabak si Gerald Anderson sa pinkamadadramang eksena sa Tayong Dalawa sa mga darating na episodes kaya ito ang dapat abangan ng mga kanyang tagahanga.

Kung itong nakaraaang linggo ay si JC ang nagpapakita ng kanyang kahusayan sa pag-arte dahil sa sunod-sunod na mabibigat na eksenang napanood sa kanya,turn naman ni Gerald dahil siya naman ang bibigyan ng matitinding eksena this time.

Kaya sa mga nagtatanong kung mabubuhay si JR sa TD,obvious ba kung ano ang sagot?

In fairness, malayo na talaga ang narating ni Gerald simula ng sumali siya sa PBBTE. Parang kailan lang ang binabatikos siya sa kanyang pag-arte pero unti-unti niyang pinapatunayan ang sarili and proved his dertractors wrong.

Ngayon ay tinatahak na ni Gerald ang landas bilang seryosong actor at kung magpapatuloy ang magagandang performance niya,isa siya sa kandidato to be another John Lloyd Cruz.

Article

4

Posted on : Wednesday, May 20, 2009 | By : shapap | In :

Kim Chiu and Jake Cuenca, nagkasakitan sa Tayong Dalawa
MJ Felipe ( ABS-CBN Interactive ) 05.20.09
www.kimerald.co.nr www.kimerald.tkKapansin-pansin ang mga kalmot at pasa sa balikat ni Kim Chiu nang makita namin siya noong linggo sa kanilang mall show ni Gerald Anderson sa SM Rosales. Hindi mo talaga siya matatanggalan ng tingin dahil parang kalmot ni 'wolverine' ang drama ng mga marka sa kanyang braso. Parehong braso ni Kim ang may mga pasa at nagtaka tuloy kami kung napaano at saan niya nakuha ang mga ito. Tinanong namin mismo si Kim at sinabi nitong nakuha daw niya ang kanyang mga pasa at marks sa braso sa isang matinding eksena na kinunan nila ni Jake Cuenca sa kanilang teleseryeng Tayong Dalawa. "Nagka-pisikilan na! Nakuha ko to sa eksena namin ni Jake. Abangan niyo sa Tayong Dalawa." paliwanag ni Kim.

Naexcite kami dahil nakuwento sa amin ni Miss Mercy na Executive Producer ng naturang teleserye ang mga kaabang-abang na eksena na nakunan nila Kim, Gerald at Jake. Hindi mo talaga bibitiwan, pero siyempre hindi namin puwedeng ikuwento sa inyo dahil ayaw naman naming ma-pre-empt ang mga upcoming episodes nila!

Abangan niyo na lang ang Tayong Dalawa gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN pagkatapos ng Only You at bago mag Pinoy Bingo Night.

Showbiz News Ngayon

2

Posted on : Tuesday, May 19, 2009 | By : shapap | In : ,

SNN: Gerald at David Archuleta, dating classmates?c/o kristt
SNN: Gerald at David Archuleta, dating classmates? c/o discoverer
SNN: Gerald at David Archuleta, dating classmates?
Download this Episode
© K.I.M.E.R.A.L.D www.kimerald.tk

Article

6

Posted on : Tuesday, May 19, 2009 | By : shapap | In :

Gerald Anderson stops traffic to get to mall show
MJ Felipe ( ABS-CBN Interactive ) 05.19.09
www.kimerald.co.nr www.kimerald.tkMaagang nakarating sa SM Rosales ang inyong lingkod kasama ang staff ng Tayong Dalawa para sa mall show nila Kim at Gerald. Alas-kuwatro ng dumating si Kim Chui sa venue, pero kataka-takang wala pa si Gerald. Ayon sa staff, manggagaling daw pala si Gerald sa Baguio at may dinaan lang. Pero dahil opening ng naturang mall, dagsa ang mga tao at napaka-traffic sa labas. Nakarating sa amin ang balitang umabot na raw ang mabagal na daloy trapiko sa Urdaneta at doon daw mismo na-stuck sa trapik si Gerald at ang sasakyan nito.

At dahil alam na nga niyang late na siya, at nagwawala na ang mga taong nag-aabang kina Gerald at Kim, gumawa na siya ng paraan at dumiskarte. "Alam ko kasing late na ako, kaya pumara na lang kami ng driver ko na nag-momotor. Tapos pinakiusapan namin si Kuya Tirso (Belarminno) na iangkas ako papuntang SM Rosales." paliwanag ni Gerald. Si Mang Tirso ay tubong kapampangan at nagkataong papunta rin siya sa direksyong pupuntahan ni Gerald. Kapansin-pansin din ang kapansanan ni Mang Tirso na may polio. "Noong una, ayaw kong maniwala na si Gerald nga yun. Pero nung bumaba na nang sasakyan ay naniwala na ako na si Gerald nga!" nakangiting kuwento ni Mang Tirso.

Laking pasasalamat ni Gerald at naka-abot siya sa mall show nila ni Kim at bilang pasasalamat ay inimbitahan pa ni Gerald si Mang Tirso sa backstage, binigyan ito ng pagkain, nagpapapicture pa sila with Kim at ang sumbrerong suot-suot ni Gerald ay binigay na niya sa kanya. Inabutan din ni Gerald ng pamasahe si Mang Tirso bilang pasasalamat sa kabaitang pinakita nito.

TV Patrol World

2

Posted on : Monday, May 18, 2009 | By : shapap | In : , ,

TVP : 'Tayong Dalawa' #1 sa Primetimec/o kristt
TVP : 'Tayong Dalawa' #1 sa Primetimec/o 8NoPainNoGain8
TVP : 'Tayong Dalawa' #1 sa Primetime c/o discoverer
TVP : 'Tayong Dalawa' #1 sa Primetime
Download this Episode
© K.I.M.E.R.A.L.D www.kimerald.tk

ASAP 09

2

Posted on : Sunday, May 17, 2009 | By : shapap | In : ,

ASAP 09 1 , 2 , 3 , 4 c/o kristt
ASAP 09 1 , 2 , 3 , 4 , 5 c/o discoverer
ASAP 09
Download this Episode
© K.I.M.E.R.A.L.D www.kimerald.tk

Article

0

Posted on : Tuesday, May 12, 2009 | By : shapap | In :

Kim Chiu to make a movie without Gerald Anderson
Bernie Franco ( ABS-CBN Interactive ) 05.12.09
www.kimerald.co.nr www.kimerald.tkMagso-solo muna si Kim Chiu sa gagawing niyang pelikula with Gabby Concepcion at Angelica Panganiban. Ang nasabing pelikula ay ang comeback movie ni Gabby after a 13-year absence from showbiz. Ito ang magiging kauna-unahang pelikula ni Kim na hindi niya kasama ang ka-love team na si Gerald Anderson.

Ayon kay Roxy Liquigan, Ad Prom director ng Star Cinema at creative manager ng ilang showbiz-oriented shows ng ABS-CBN, pinag-isipan nila kung sinu-sino ang mga maaring kandidata na gaganap na anak ni Gabby sa kanyang comeback movie. Nang mabanggit ang pangalan ni Kim ay umoo agad si Direk Laurice Guillen dahil nakatrabaho na niya ang dating Pinoy Big Brother Teen Big Winner.

Ayon pa din kay Roxy, deserve din ni Kim na makasama sa isang dramatic movie dahil napaka-flexible umano ng kapasidad ni Kim sa pag-arte. In the three years niya sa business ay naging mahusay na ang kanyang pag-arte. Puwede siyang magpa-cute at effective din siya sa pagganap ng mga seryosong roles, gaya na lamang ng maturity na ipinakikita niya sa primetime teleserye, Tayong Dalawa.

Hindi naman umano ibig sabihin na bubuwagin na ang team-up nina Kim at Gerald. Sa katunayan ay may pinaplano nang pelikula para sa kanilang dalawa, which will also be their second team-up on the big screen after I’ve Fallen For You noong 2007. Samantala uumpisahan na umano ang shooting ng pelikula niya with Gabby and Angelica as soon as possible at maipapalabas ito sa loob ng taong ito.

Rehearsals for Star Magic World Tour

0

Posted on : Sunday, May 10, 2009 | By : shapap | In : ,


Photos c/o Star Magic Multiply Site

ASAP 09

27

Posted on : Sunday, May 10, 2009 | By : shapap | In : ,

ASAP 09 1 , 2 c/o kristt
ASAP 09 (Edited)c/o zonie
ASAP 09c/o xxxxxx333
ASAP 09c/o DanceMonday
ASAP 09 1 , 2 c/o discoverer
ASAP 09
Download this Episode
© K.I.M.E.R.A.L.D www.kimerald.tk

Article

0

Posted on : Friday, May 08, 2009 | By : shapap | In :

Fan ni Gerald nag-aambisyong maging Pangulo ng Pilipinas
Chan-Chan Torres ( Journal Online ) 05.08.09

Nagkaroon kami ng pagkakataong makilala at makausap si Defense Secretary Gilbert Teodoro. Balita rin kasing isa si Sec. Teodoro sa napipisil ni Pres. Gloria Macapagal-Arroyo na tumakbo bilang Pangulo ng bansa sa 2010 elections.Hindi pa man kumpirmado ang umano’y pagtakbo ni Sec. Teodoro, tinanong na agad namin siya nu’ng humarap siya sa ilang members of the entertainment press kung tuloy na ba ang desisyon niya to go a step higher in politics. “Wala pa namang pormal na plano o anuman, basta ang sa akin, I will be joining a convention at kung sino ang mapipili sa amin, ‘yun ang aming susuportahan,”aniya. Napag-alaman naming lawyer by profession si Sec. Teodoro at naging congressman din siya ng Tarlac bago siya naging Secretary of National Defense. Balita rin na silang dalawa ni VP Noli de Castro ang pinagpipilian na maging kandidato ng administrasyon.Tinanong namin si Sec. Teodoro, if ever, si Kabayan Noli ang palaring maging kandidato ng administrasyon for the Presidential race, papayag ba siyang tumakbo bilang bise nito? “Titingnan natin kung ano ang kalalabasan ng convention,” simpleng pahayag nito. Dagdag pa ni Sec. Teodoro, okey ang samahan nila ni VP De Castro at sinabi pa niyang maayos ang naibibigay na tulong ng VP sa housing projects dahil ito nga ang expertise ni Kabayan. Siya naman daw ay sa national security ang expertise. Kamag-anak din pala ni Sec. Teodoro sina Rep. Noynoy Aquino at Kris Aquino. Pinsang-buo ng ina niya si former Pres. Cory Aquino at kapatid ni Danding Cojuangco ang ina niya. He was honest enough in saying naman na matagal na panahon ding hindi nagkasundo ang mga pamilya nila at ngayon lang sila naging okey. Sa tanong kung susuportahan ba siya ng kanyang mga kamag-anak, aniya: “Lahat ng tulong ay welcome.” Pero kung hindi ay okey lang din sa kanya.

Pang-showbiz na rin si Sec Teodoro nang nagkaroon siya ng first ever TV appearance sa Tayong Dalawa kasama si Gerald Anderson.

“Ako ‘yung nagsabit ng medalya kay Gerald sa Military School.”

Hanga si Sec. Teodoro kay Gerald.

Mabait na bata raw ang aktor at hindi mayabang ang dating.

Si Gerald pa raw ang unang bumati sa kanya nu’ng magkita sila sa Air Force nang mag-taping doon ang Tayong dalawa.

So, si Gerald ba ang isa sa magiging endorsers niya kung sakali?

“Lahat ng puwedeng tumulong, tatanggapin ko.”

Article

0

Posted on : Friday, May 08, 2009 | By : shapap | In :

Does Gerald Anderson have a Hollywood admirer?
Rachelle Siazon ( ABS-CBN Interactive ) 05.08.09
www.kimerald.co.nr www.kimerald.tkThe success of Tayong Dalawa is definitely not just a nationwide phenomenon since it is also a hit with TFC subscribers abroad. As a matter of fact, there have been previous reports that even Fil-Am Disney artist Anna Perez de Tagle is a huge fan of the show and its lead stars Gerald Anderson, Jake Cuenca, and Kim Chiu. Granddaughter of legendary Filipina singer Sylvia La Torre, the 18-year-old actress is best known for her roles as Ashley Dewitt in Hannah Montana, Ella in Camp Rock, and Miracle in Cake T.V. She will also soon be seen as Joy in the remake of the ‘80s hit musicale Fame, showing September of this year.

When ABS-CBN.com told Gerald about it, he was quick to express how flattered he is to be noticed by Disney star. “Wow! Wow! That’s very overwhelming of course. Naku, igu-google ko ‘yan. Wow that’s amazing talaga. I guess hard work really pays off. This is the first time I’ve heard about it and I am just really happy na people are noticing my craft kahit ng mga taga-ibang bansa. So wow lang talaga.” Given the chance, the 20-year-old heartthrob said that he would like to meet Anna possibly during Star Magic’s concert tour in the States this June or if she decides to come here to the Philippines anytime soon.

Despite the praises he is reaping these days, Gerald stressed that he refuses to let fame go to his head. “A lot has changed in my life because of Tayong Dalawa. Ang dami ng nangyayari sa akin, like yungpagkakaroon ng AFP award and isang top-rating teleserye so talagang we’re very happy with all these blessings, you know. Masaya kami sa outcome nito but most especially with regards to the impact of the show on the viewers. And no, hindi naman lumalaki ulo ko. It’s just overwhelming lang talaga. So for me, I just want to stay down-to-earth and focused to my work.”

When asked if there has been any romantic progress between him and leading lady Kim, Gerald simply answered that they are too busy with work to even think about pursuing a serious commitment. He also wanted to assure his fans that his team-up with Kim is stronger than ever despite rumors saying that he has outshone Kim this time around. “No, no, of course not! Wala kaming inggitan or anything. Kumbaga salitan lang kami. It depends naman on the show, on the project, at kung anong storya. And hindi naman namin napag-uusapan yung mga ganun sa set. Basta masaya lang kami na may show kami pareho,” he said to their defense.

But even though the two continue to captivate fans with their unbeatable tandem, Gerald is already mature enough to accept the fact that they have to pursue individual projects sooner or later. “Well, kumbaga, kung maghihiwalay man kami in the future at least handa na kami. Marami kaming pinagdaanan as a love team and we’re just happy sa mga nangyari sa amin in the past and what’s happening to us now. Alam naman natin kung paano magreact [ang mga Kimerald fans], pero wala tayong choice eh, kailangan nating tanggapin when that time comes. Anyway, we’d still be there to support each other no matter what,” he finally stated.

Rated K

13

Posted on : Sunday, May 03, 2009 | By : shapap | In : ,

Rated K : 'It's Kim's Kaarawan'c/o kristt
Rated K : 'It's Kim's Kaarawan'c/o zonie
Rated K : 'It's Kim's Kaarawan' c/o discoverer
Rated K : 'It's Kim's Kaarawan'
Download this Episode
© K.I.M.E.R.A.L.D www.kimerald.tk

ASAP 09 (Replay)

0

Posted on : Sunday, May 03, 2009 | By : shapap | In : ,

ASAP 09 : Kim's & Gerald's Birthday Prodc/o kristt
ASAP 09 : Kim's & Gerald's Birthday Prod c/o discoverer
ASAP 09 : Kim's & Gerald's Birthday Prod
Download this Episode
© K.I.M.E.R.A.L.D www.kimerald.tk

Ruffa & Ai

1

Posted on : Friday, May 01, 2009 | By : shapap | In : ,

Kim in 'Ruffa & Ai' (Edited)c/o zonie
© K.I.M.E.R.A.L.D www.kimerald.tk